Mahaba haba po ang chapter na ito hehehe enjoy reading.
VEAL'S POV
Umalingaw ngaw sa buong akademya ang napakalalim na tunog,inikot ko ang aking tingin sa buong kapaligiran.Mga kapwa ko estudyante at mga guro na nakikipaglaban sa mga Levo ang aking nasisilayan subalit dumapo ang aking tingin sa isang taong may hawak na napakalaking trumpeta,na halos ay doble o di kaya ay triple pa sa kaniyang laki.
Jusq napakalaki naman ng trumpetang iyan para sa frenny ko!Nagpapabibo na naman siguro ang gaga!
Napatigil ang mga kalaban naming Levo at napatingin sa kinaroroonan ng aking kaibigan,para silang mga papet na wala sa sariling pag-iisip.Maya-maya ay isa-isa silang natumba sa lupa na parang gulay na biglang nalanta hanggang sa wala nang natirang nakatayo na kalaban.
Napatingin ang mga kapwa ko estudyante at mga guro sa kaniya.Sa mga tingin nila ay kita ang paghanga sa nagawa ng aking kaibigan at may iba rin na parang takot na takot sa kaniya.
Naku!Hindi ko na talaga gagalitin si bakla!Kakatakot ang gaga.Ngumingisi siya na animo proud na proud sa nagawa.Punyemas ang creepy ng ngiti niya.Simula nang sabihin ni Duke noon na sila na ni Beviline ay palagi kong nakikita na nakangisi si frenny iyong tipo na parang napopossess siya ng masamang elemento.Naku di ko alam sa bakla na iyan at hindi niya na rin ako minsan kinakausap,parang nagbago na siya ng tuluyan.Wala na ang dating kwela at kabangayan ko,hindi na siya palaging ngumingiti,palaging naka poker face lang,at palaging iwas sa mga tao.
Haist!Tama nga siguro ang palaging sinasabi niya na 'People change' pero.....hindi parin mawala sa isip ko ang biglaang pagbago ng feelings ni Duke sa frenny ko.Yung like na ngayon siya pero the next day iba naman.The heck!ganon ba talaga iyon?feel ko kasi may something na hindi magandang nangyayari eh,parang wala sa sarili si Duke at sunod sunuran sa gagang Beviline na iyon.Gigil si ako talaga sa babaeng iyon!Sarap ingudngod sa inidoro!
Napasailalim kaya sa isang kapangyarihan si Duke?Parang walang buhay ang mga mata nito eh,wala nang kislap katulad ng dati.Ako na talaga ang naguguluhan sa kanila.
"Ang galing natin don auh,paturo naman ng ganon."napatigil ako sa pag-iisip ng may nakita akong lalaking lumapit kay Damon.Si Esron.
Isa pa ang lalaking ito,palaging sumasama sa frenny ko.Nararamdaman ko ang kalansahan niya...kung hindi ako nagkakamali ay may gusto ito kay bakla.Sinusundan ko minsan si bakla kasama ko si Blood at isang time na nakita namin siya na kausap si Esron at parang ang close nila,hindi lang iyon ang time na nakita ko silang magkasama....hmmmm.Tama kanina!Ang harot ng baklang to!Ang sabi niya ay lalabas siya para mag-cr pero ang shuta niya nakipaglampungan kay Esron sa tapang ng girls cr!Akala niya siguro hindi ko siya susundan.Gaawwwddd hindi ko na talaga mareach ang kalandian niya!Nashook talaga ako sa ganoong kaganapan pero baka nagmomove on na rin siya.
"Hey,okay ka lang?"napalingon ako sa tumapik sa aking balikat at bumungad sa akin ang mukha na palagi kong nakikita pero hindi ko pagsasawaan.
"Ah...oo okay lang ako."shit!kumakabog ng mabilis ang puso ko.Tanginers!Bakit ang gwapo kasi ng isang to!Arrrghhh!Veal..kalma...inhale....exhale...
"Huy!a-nong..gi-na-ga-wa mo?"shit shit!pucha!Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko!Tangina mo Blood!Anong gagawin niya?Huwag mong sabihin?
Pinikit ko ang aking mata at naramdaman ko ang init ng palad niya sa aking pisngi.Hinaplos niya ang aking pisngi at idiniin nag kaniyang daliri na parang may pinapahiran.Nang minulat ko ang aking mga mata at nakita kong nakatitig ito sa akin.
"Ma-may du-dugo kasi sa pisngi mo."agad siyang umiwas sa aking tingin.Shuta!Ayan kasi assumerang bakla ka Veal!Napahiya ka tuloy.Arrgghhh!Kainis!
Naglakad ako patungo sa kinaroroonan ni Damon at tumabi sa kaniya.Narinig ko siyang bumulong ng salitang 'Checkmate'habang may tinititigan kay sinundan ko ito at dumapo ang aking paningin sa babaeng nakalingkis kay Duke.Tsk!What a girl!Paktay kang babae ka,mukhang may binabalak si Damon na hindi maganda.
BINABASA MO ANG
Magia Academy:The Next Celestial Mage
FantasíaA prophecy was stated,when the moon meets the sun the entire magic world will be in chaos.The second holy war will begin and only a child with an ancient power can stop it. Siya si Damon isang baklang mataray pero kahit ganon ay napakabait niyang ta...