Chapter 56:Ang Hinagpis ni Ikarus

2.4K 160 26
                                    

Mephistopheles on the media...Thanks kay Ninong Pinterest sa pic hehehe.

Mahaba haba ang chap na ito pambawi sa 5 days na hindi ako nakapag update heheheh...

DAMON'S POV

"Ikarus..."bulong ko sa hangin habang diretsong nakatitig sa kaniya.

"Ang nag-iisa."aniya sabay bitiw ng isang napakalaking ngisi.

"Anong kailangan mo?"mahinahon kong tanong sa kaniya.

"Gusto ko lang namang makita ang aking pinakamamahal."nagsimula itong lumakad palapit sa akin.Sa bawat pag abante niya ay siya ring pag atras ko.

"Alam kong hindi lang iyan ang pakay mo dito Ikarus,huwag mo akong lokohin."naiinis na turan ko sa kaniya na agad niyang ikinatawa.

Nangunot ang aking noo sa inasal niya.Nakahithit din ba ito?Pakiramdam ko magkakasundo silang dalawa ni Lilith hmmm...pareho silang baliw.

"Hahahaha,makikipagkwentuhan lamang ako sa iyo aking mahal."sabay bitiw ng isang ngisi.

"Alam mo ba ang nangyari sa akin,matapos mong basagin ang pangako mo sa akin na sabay tayong lalaban sa digmaan?"sa isang kisapmata ay bigla siyang nawala sa aking harapan.

"Gumuho ang mundo ko."bulong nito sa akin mula sa aking likuran.

Agad naman akong lumingon subalit bigla ulit siyang nawala.

"Nang namatay ka ay isinumpa ko ang lahat ng nilalang dito sa ating mundo.Isinumpa ko ang kataas taasang panginoon."muli kong naramdaman ang kaniyang hininga sa aking batok.

"Pagkatapos ng digmaan ay humanap ako ng ibang paraan para muli kang buhayin.Noong una ay nagmukmok ako dahil sa matinding kalungkutang aking nararamdaman.Iniwan lang naman ako ng nag-iisang taong pinapahalagahan ko ng lubusan..."Bigla siyang nagpakita sa aking harapan na sapu-sapo ang dibdib na animo'y hirap na hirap na huminga.

"Pero hindi ko inubos ang aking panahon sa pagmumukmok lang...tinupad ko ang sinabi mong maging isa akong hari.Mula noon ay nagsaliksik ako,naghanap ng mga kasagutan...hanggang sa isang araw..."

FLASHBACK

"Mga inutil kayong lahat!Akala ko ba ay kayo na ang pinakamatalinong mananaliksik sa ating lahi?Bakit wala kayong masagap na makabuluhang impormasyon!.."sigaw ko sa sa tatlong mananaliksik na itinalaga ko upang maghanap ng paraan upang makabuhay ng isang namatay.Batid kong wala nang natirang mga Necromancer sa buong mundo ng Celestial,lahat sila ay nagapi sa digmaan subalit hindi ako titigil sa paghahanap ng paraan upang muling mabuhay ang nag-iisang taong nagbigay kulay sa aking mundo.

"Ngunit mahal na Riah,talaga pong wala nang ibang paraan upang makabuhay ng yumaon maliban na lamang sa kakayahan ng mga Necromancer.Wala po kaming mahanap na ibang paraan."tugon ng isa sa aking tauhan na agad namang ikinakulo ng aking dugo.

"Walang kuwenta!"sigaw ko at agad na pinutol ang kaniyang ulo.Umagos ang masagang dugo mula sa kaniyang putol na leeg at gumulong ang kaniyang ulo sa sahig.

"Ganyan ang kahahantungan niyo sa sandaling wala kayong masabing makabuluhan sa susunod na pagbalik niyo dito sa aking harapan.Magsilayas na kayo!"napaigtad ang dalawang matandang bampirang mananaliksik at dali-daling lumabas ng bulwagan.

Matapos ang tagpong iyon ay pumunta ako sa aking silid at nagtungo sa isang lalagyan ng aklat sa sulok ng aking kwarto.Kinuha ko ang isang librong kulay ginto at mahinang yumanig ang lalagyan ng aklat saka ito nahati sa dalawa.Bumungad sa akin ang isang hagdan na patungo sa isang pribadong silid.

Pagkababa ko sa hagdan ay agad na dumapo ang aking paningin sa isang parehabang mesa sa gitna ng silid.Nakahimlay doon ang labi ng aking mahal na Deimiri,para lamang siyang nasa malalim na pagtulog subalit...wala nang paghinga at pagpintig ng kaniyang puso.

Magia Academy:The Next Celestial MageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon