Chapter 57:Demonyo ng Tubig

2.7K 179 40
                                    

Iyong sa gitna ang Magie Equip ni Duke heheheh.Credits kay Ninong Pinterest sa heben na mga battle outfits na iyan😁😁

Miaowu salamat nga pala otor sa pag mention sa akin sa last update ng story mo😁😁Kahit ano pa pong story isusulat niyo sa future susuportahan ko parin po kayo.😊😊Isa narin po kayo sa mga naging idol ko sa larangan ng pagsusulat ng bxb na genre eh😁😁

DAMON'S POV

"Siya si Mephistopheles ang Tagapamahala ng Bilog ng Gluttony."Seryusong sabi ni Lilith sa akin.

"Hahahaha mabuti naman at kilala mo pa ako aking kapatid."Kapatid?Whut dufucque!Sisteret niya si Lilith?A big revelation!Kaya naman pala walang humpay ang paghalakhak nito na parang nakadrugs katulad ni Lilith.

"Anong ginawa mo kay Ikarus?!"pasigaw kong tanong kay Mephistopheles nang makita ko si Ikarus na nakasalampak sa lupa at walang malay.

"Auh.Itong mahinang nilalang na ito ba?.."iniangat niya sa ere si Ikarus sa pamamagitan ng paghawak sa kwelyo nito."...huwag kang mag-alala maya maya ay magigising na iyan.Ngayon ay bumalik tayo sa ating pinag-uusapan..."bumaling ito kay Lilith at tinitigan niya ang babae na tila ba isa itong napakababang uri ng nilalang.

"Naging mahina ka na ata aking kapatid at nakipagkampihan ka na sa batang ito."sabay turo sa akin.

"Hindi ako mahina sapagkat nakontento ako sa kung ano ang meron ako at namuhay ng payapa sa Limbo habang naghihintay sa isang Summoner na makipag-alyansa sa akin.Ikaw ang tunay na mahina Mephistopheles dahil ginamit mo ang kahinaan ng batang bampira para makatungtong ka dito sa lupa at makapaghasik ng lagim.Hindi ka marunong maghintay ng tamang pagkakataon,nakipagkasundo ka pa naman sa kaniyang buhayin ang kaniyang minamahal subalit pinagtaksilan mo siya...."hindi na natapos ni Lilith ang kaniyang pagsasalita ng singitan siya ni Mephistopheles.

"Nakakalimutan mo atang demonyo tayo Lilith.Hindi tayo anghel para magmalinis,likas sa atin ang magtaksil at gumawa ng masama.Huwag kang magdila anghel dahil hindi bagay sa iyo!"gumalaw ang isa sa mga galamay nito at bumulusok sa direksiyon ni Lilith.Agad namang tinawag ni Lilith ang kaniyang sandata at hiniwa ang galamay na papunta sa kaniya.

"Bumangon kana diyan bata."utos ni Pugita man sa walang malay na Ikarus.Tila isa na namang puppet ang katawan ni Ikarus na agad agad na tumayo.Umiilaw ang mata nito at lumingon ito kay Duke.

Parang gusto ko sabihin kay Duke na.."oh ano ka ngayon?Kalokalike mo iyan oh"..pero wag na baka magalit sa akin.Saviour of the night ko pa naman iyan at baka mag back out sa pagkagusto sa akin,mahirap na.Hehehe.

"Deimiri...."rinig kong bulong ni Ikarus at lumitaw sa kaniyang kamay ang kaniyang sandata.Agad itong sumugod sa akin subalit sinangga ni Duke ang kaniyang atake.

"Ako na ang bahala sa isang to."wika ni Duke sabay kindat sa akin.

Aba!Ogag rin itong si Duke auh.Nasa gitna na nga kami ng laban balak pa atang makipagharutan sa akin.Aba!Hindi ko siya aatrasan,kung landian lang naman pala eh gorabells ako diyan,forte ko pa naman iyan mga beh.Kinindatan ko rin siya pabalik na may kasama pang kagat sa labi.Ay peste!Damon maghunos dili ka!Binaling ko ang aking pansin sa dalawang demonyong nagsasabong.

Ano kayang ginawa sa akin ni Duke at feel ko bumalik lahat ng energy ko?Hinalikan ba niya ako?Kyaahhh sana nga!Shhh!Damon focus!

Tutulungan ko ba si Lilith?Huwag na siguro parang yakang-yaka niya naman ang brotherhood niya eh.Go Lilith!Lilith por da win!Yuhoooo!

Biglang tumilapon si Lilith sa aking tabi.Okey hindi niye keribells si Pugita Man slash Brotherhood niya.

"Teh kailangan mo ng tulong?"tanong ko kay Lilith na bumabangon mula sa pagkakatilapon.Aww...kawawang Lilith.Hehhehe

Magia Academy:The Next Celestial MageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon