DAMON'S POV
Napatingin ako sa bukas na pintuan ng aming classroom at nakita ko na naman ang itim na pigura na nakangiti sa akin.Sa isang segundo ay parang nag-iba ang aking paningin sa kaniya.Yung feeling na nag glitch ang paningin ko at nakikita ko siya sa mukha ni Duke.Subalit hindi ginto ang kulay ng kaniyang mga mata kundi golden brown.Hindi...Hindi maari.
"Ikarus."Mahinang pagbigkas ko ng kaniyang pangalan.
"Damon,Damon!Hello?Friend!"napaigtad ako nang may humampas ng aking balikat.Napalingon ako sa taong nanakit sa akin at nakita ko si Veal na nakangisi sa akin habang naka peace sign.
Pinandilatan ko ang gagita at doon na siya napasalita.
"Eh friend ikaw naman kasi eh,palagi ka nalang tulala mula pa noong lunes.Ano na ba ngayon?Huwebes?4 days ka nang ganyan friend.Ano ba kasing nangyayari sa iyo?"Tama nga naman si Veal mula pa noong nakaraan palaging akong natutulala at 'yon ay dahil sa aking pag-iisip tungkol sa Ikarus na iyon.
Mula ng narinig ko ang kuwento tungkol sa mga bampira at sa mga ilang nangyari kay Ikarus matapos ang digmaan noon ay naghinala na ako na ang itim na pigurang palaging sumusunod sa akin at tumatawag sa akin sa pangalang Deimiri ay walang iba kundi si Ikarus mismo.Subalit wala pa akong sapat na patunay kaya hanggang hinala lang muna ako ngayon.
"Ayan na naman friend,natutulala ka na naman eh.Gaano ba iyan ka lalim ang iniisip mo?6 feet below the ground?"Gagita talaga itong si Veal ano akala niya sa isip ko bangkay na kailangan ilibing ng 6ft below the ground?
"Aray ko naman,ba't ka nambabatok?"dikit kilay niyang tanong sa akin habang nagpapout na akala niya naman ikinaganda niya.Gawwdd parang bibeng binawasan ang tuka hahaha.
"Huwag kang mag pout hindi bagay sayo."pagsingit ni Blood.Boom!Oh saan ang ganda mo ngayon Veal.Bwahaha--ay nandito pala ang gong gong na ito?
"Bleh"pang-aasar ko sa kaniya dahilan para irapan ako ng bruhilda.Aba aba marunong ng umirap ang kutong lupa.
"By the way,muntikan ko nang makalimutan bukas na pala ang magie check-up natin."ani Blood habang sumusubo ng isang kutsarang kanin sa bunganga niya.Ansabe niya?
"Huh?Magie Check-up?"takang tanong ko sa kaniya.Ibinalik niya ang kutsara sa kaniyang pinggan at napatampal sa kaniyang noo.
"Wala ka nga sa sarili mo.Hindi ka ba talaga nakikinig kanina kay Prof?"napailing ako sa tanong ni Blood.Hay naku pakiramdam ko kasi yung isip ko nasasabay na sa ihip ng hangin at ang katawan ko na lang ang naiwan dito na walang kamuwang muwang.
"Okay ako na mag eexplain."pagsingit ni Veal.
"Ang Magie Check up ay ang pagtingin sa kung gaano kalakas ang iyong magie.Isinasagawa ito 2 months bago ang School Ranking Exam sa pag check up nila na ito ay may ibibigay silang bracket na kailangan mong abutin.Sa 2 months na iyon ay kailangan mong palakasin ang iyong magie sa bracket na kanilang ibibigay at isang linggo bago ang School Ranking ay ichecheck up uli ang magie natin at kung nakita nila na naabot mo ang bracket na ibinigay nila ay qualified ka na sumali sa Ranking at kung hindi naman edi uulit ka sa susunod na taon."pagpapaliwanag sa akin ni Veal na may kasama pang hand gestures.Yung totoo ay para siyang baliw.heheh
Naalala ko tuloy ang sinabi ni Dad noon tungkol sa rankings.Nasabi niya sa akin ang Legendary Rank na kung saan walang hangganan ang kapangyarihan na magagamit ng isang Celester at dalawa palang daw ang nakakaabot nito pero wala siyang sinabi tungkol sa iba pang rank.
"Auh ganun ba.Eh ano-anu ba ang mga rankings na ito?"tanong ko sa kanila na ikinanuot ng noo ni Blood at si Veal naman na sobrang OA ay napatakip sa bunganga niya.
BINABASA MO ANG
Magia Academy:The Next Celestial Mage
FantasyA prophecy was stated,when the moon meets the sun the entire magic world will be in chaos.The second holy war will begin and only a child with an ancient power can stop it. Siya si Damon isang baklang mataray pero kahit ganon ay napakabait niyang ta...