Sorry late update guys heheheh....
DAMON'S POV
"Saan ba kasi tayo pupunta?"tanong ko sa nakakaimbyernang baklang humahatak sa akin.Sino pa nga ba kundi ang bruhang Veal.Hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin.
Sabado ngayon kaya ang bruha ay maaga pa akong ginising at niyayang pumunta ng bayan.Gagala raw kami dahil masyado na kaming naging abala nang nakaraang araw.Siya sa klase samantalang ako naman ay sa pagsasanay ng aking bagong kapangyarihan.
May konting alam narin ako sa bagong kapangyarihan ko,nagagawa ko nang kontrolin ng maayos ang sinag ng araw at makagawa ng atake gamit ito.Siya,balik na tayo sa nangyayari ngayon.
"Ano ba kasi ang minamadalian mo?Jusko ghorl,ginagawa mo na akong manika sa tindi ng paghatak mo."pamamaktol ko sa kaniya at napahinto siya.Lumingon siya sa akin at ngumisi.
"Pupunta tayo ng mall."huuwaaatt?Eh sa mall lang pala kami pupunta ei.
"Huy baklang Flash,alam mo shuta ka."inis kong wika sa kaniya.
"Bakit na naman aber?"napairap ako sa sinabi niya,parang timang to.
"Akala ko kung saang parte na tayo ng bayan pupunta na minamadali mo ako pero langya ka sa mall lang pala ang punta natin!"nakakabwisit kasi eh,hinatak ba naman ako ng pagkalakas lakas.
"Excuse me lang ghorl ha,nagmamadali tayo kasi excited na ako na kunin ang something na iyon sa pinaayusan ko.Gosh can't wait na."maarte niyang wika sabay paypay ng kaniyang kamay sa sarili na animo'y naiinitan.
"Huh?Anong something ba iyan?"nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Basta sumunod ka nalang sa akin.Follow me girl."aniya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Nasaan na si Blood?"tanong ko sa kaniya nang makapasok kami sa mall.
"Sumama sa isang taga kabilang section."nakasimangot niyang wika.Hmmm...parang may mali.
"Ano ba itong taga kabilang section na ito?Lalaki o babae?"napalingon siya sa akin at kitang kita ko ngayon ang nakanguso niyang mukha.Juskelerd apakapangit!
"Babae."maikli niyang sagot.
Sinasabi ko na nga ba ei.Bakit hindi pa kasi magkaaminan ang dalawang to?Ang totorpe halata namang gusto ang isa't isa eh.Mga pabebe ampucha.
"Sus nagseselos ka lang eh.Huwag ako Veal huwag ako."
"Uy hindi auh,bakit naman ako magseselos aber?Mukha namang palaka ang babaeng yun eh."hindi daw nagseselos pero nilalait ang kasama ni Blood.Vaklang two!
"Lokohin mo lang ang tsonggo wag lang ako,juskelerd masyado ka nang halata ghorl.I mean masyado na kayong halata ni Blood.Ang aarte niyo mga beh."wika ko sabay batok sa kaniya.
"Para sa kaalaman mo bakla wala akong gusto sa lalaking iyon."pang dedepensa pa niya sa sarili.
"Bakit may sinabi ba akong gusto mo siya?"napatahimik si bakla at parang nag-iisip.May utak ba talaga ito?Feel ko parang wala--ay chosss charot charot lang iyan ahhaha.
"Oh natahimik ka ata?Tama nga ang sabi nila ang isda hindi nahuhuli sa buntot kundi sa bunganga."napahiya sa bakla at mas pumangit pa ang pagkasimangot niya.Nunong Imaw is that you?
"Oh siya,tama na ang kaartehan mo saan na ba ang pupuntahan natin dito?"unti-unting tumingla siyang tumingala at ngumiti sa akin.
"Dito."Tinuro niya ang isang jewelry shop sa harap namin.
"Anong gagaw----"Nang lumingon ako sa tabi ko ay wala na ang gaga.Nauna na pala siya sa loob.
"Baliw."Bulong at napailing na lamang bago siya sinundan sa loob.
BINABASA MO ANG
Magia Academy:The Next Celestial Mage
FantasyA prophecy was stated,when the moon meets the sun the entire magic world will be in chaos.The second holy war will begin and only a child with an ancient power can stop it. Siya si Damon isang baklang mataray pero kahit ganon ay napakabait niyang ta...