THIRD PERSON POV
Sa ilalim ng pag-iisa ng araw at buwan dalawang pwersa ang maglalaban.Liwanag kontra sa Kadiliman.
"Ikinagagalak kong muli kang makita,itinakda!"nakangising saad ni Orthox kay Damon.Hinubad ng lalaki ang kapiraso ng tela na tumatakip sa kaniyang pagmumukha at tumambad sa lahat ang mukha ng mortal na kaaway ng mga kaharian noong unang panahon.
Kasabay ng pagdating ni Orthox sa Kaharian ng Fantalia ay siya ring pagdating ng mga alagad nito sa bawat kahariang itinalaga sa kanila.Si Vishna muling bumalik sa kaharian ng Wizandy,Si Xeno sa kaharian ng Elementia,Si Meryo sa kaharian ng Controvia,si Greto sa kaharian ng Shai.Ang bawat isa sa mga heneral ay may kaniya-kaniyang hukbong dala.
Napatindig ng maayos ang mga kasamahan ni Damon.Ito na ang hinihintay nilang araw.Kinakabahan man subalit taas noo parin sila,kailangan nilang lumaban hangga't makakaya.
DAMON'S POV
"Huwag na nating patagalin ang labanang ito."matigas na sabi ng aking tiyahin.Sa tindig nito ay talagang handang handa na siya.
"Hindi ako tututol sa iyong sinabi.Umpisahan na natin ito.Kadiliman ang siyang magwawagi!"sigaw ni Orthox at nagsitakbuhan ang kaniyang kasamahan patungo sa amin.
Ang mga kasamahan nitong Levo ay nagpalit anyo pati narin ang mga shape shifters.Ganoon na rin sa aming panig,ang mga marunong,mag equip,fusion at possesion ay isa-isang nagpalit ng porma.
"Mananalo ang Liwanag!"nagsitakbuhan na rin ang aming mga kaanib.Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Duke at sumuong narin sa gulo.
"Mag-ingat ka!"sigaw sa akin ni Duke.Agad kong hinanap ang lalaking nakalaban ko noon,hindi naman ako nabigo sapagkat nadapuan siya ng aking mata na nakatayo sa pwesto niya kanina suot suot ang isang malawak na ngisi.
"Oh, Itinakda.Narito ka na,halika...tingnan mo silang lahat.Hindi ba't kaaya ayang tingnan na sila ay nagkakagulo?"parang baliw siyang nakangiti habang nakatitig sa mga kasamahan naming nagbubunuan.
"Hindi ito ang nais ng lahat,ang kailangan ng mundong ito ay kapayapaan.Walang kaguluhan at pag-aaway."turan ko sa kaniya na ikinalingon niya sa akin.Nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi at sumeryuso ang kaniyang mukha.
"Walang kapayapaan hangga't nabubuhay ako sa mundong ito!Mapaghusga ang mundo,kapag naiiba ka ay mamaliitin ka at ibaba ka!Walang kabutihan ang mga tao!"para siyang isang baliw na nagwawala.
"Hindi ko alam ang iyong pinagdaanan kaya wala akong masasabi tungkol diyan.Ang gusto kong malaman ay kung sino ka bang talaga?"tumigil siya sa pagwawala at tumitig sa akin.Muling gumuhit ang ngisi sa kaniyang mga labi.
"Ako si ORTHOX."napaatras ako nang marinig ko ang kaniyang pangalan.Hindi maaari,hindi niya kamukha ang taong nasa litratong nakita ko noon sa aklat.Patay na si Orthox.
"Hindi,isa kang huwad!Sino ka ba talaga?"naguguluhan ako sa aking nalaman.
"Tunay ako,matagal na nga akong namatay eh...subalit...may isang nilalang na nagpakawala sa akin mula sa walang hanggang pasakit.May isang mabuting nilalang na nag-alay ng kaniyang dugo upang ako'y muling makabalik dito sa lupa.May isang napakabuting nilalang na nagbigay katuparan sa aking sumpa."patuloy ako sa pag-atras habang lumalapit siya sa akin.
"Sino ang nilalang na iyon?"tanong ko sa kaniya.
"Kailangan ko pa bang sagutin iyan?"sarkastikong sabi nito.
Napalaki ang aking mata nang bumalik sa aking isipan ang isang pangungusap.
"Ako ang iyong binuhay"hindi!Hindi ito totoo!Wala akong binuhay na nilalang maliban sa mga nabuhay ko noon sa klase ko kay Aiden.
BINABASA MO ANG
Magia Academy:The Next Celestial Mage
FantasyA prophecy was stated,when the moon meets the sun the entire magic world will be in chaos.The second holy war will begin and only a child with an ancient power can stop it. Siya si Damon isang baklang mataray pero kahit ganon ay napakabait niyang ta...