Chapter 60:Ang Lihim ng Puting Balahibo

2.6K 171 67
                                    

This chapter is dedicated kina pokikang,GWAPAKO713,pjellal_95,GenmarDomanillo,Monguliod,JohnFreddilGacasan,LesterDaileg,at kay kumareng CancerEve salamat sa inyong mga comments at suporta sa last chap mga beh😍😍Lablots😍😍

DAMON'S POV

Three days have passed simula nang magpakita ang epal na babae sa School Ranking at ang 'tanginang Duke ay hindi na nagpakita sa akin.Akala ko ba ay sinabi niyang mahal niya ako pero bakit ganon?Kung makayakap siya sa babaeng iyon ay parang magkasintahan silang matagal na hindi nagkita?Sa tingin ko ay magkakilala silang dalawa o baka nga sobra pa eh.Nakita ko ang pananabik sa mata ni Duke bago siya tumakbo sa kinatatayuan ng babaeng nagpakilala na Lady Beviline,naroon rin ang pagkinang ng kaniyang mga mata.Haist!Hindi naman ako galit kay Duke,nagtatampo lang kasi hindi na siya nagpapakita sa akin.Sadlayp.

Araw ng sabado ngayon at pinapayagan naman kami ni Tita Flace na maglakwatsa kaya napagpasiyahan kong pumunta ng bayan.Magsasaya nalang ako kesa magmukmok dito sa loob ng kwarto ko na parang namatayan tutal wala pa naman kaming proper label ni Duke kaya hindi ko na muna iyan iisipin.Agad akong bumangon sa pagkakahiga at lumabas ng aking silid.Huminto ako sa tapat ng pinto ni Veal,kinatok ko ito pati na rin ang pinto ni Blood.Sabay na bumukas ang magkatapat na pinto at iniluwa nito ang dalawang kaibigan ko na bagong gising.Gulong gulo pa ang buhok ni Veal habang suot-suot ang isang malaking shirt samantalang si Blood naman ay feeling model ng underwear dahil naka boxer lang ito at messy ang hair.

"Ey pipol,you know naman Luz Valdez ang beauty ko sa epal na babaeng nagngangalang Beviline kaya  na istress ako ng bonggang bongga.Tutal sabado naman ngayon at pwede tayong mag ala Dora kaya gora na tayo sa bayan."ani ko na ikinailing ni Veal.

"Gaganyak lang kami."wika ni Blood na ikinataas ng kilay ko.

"Kami?As in sabay kayong maliligo ni Veal?Ikaw Dugo ha,sabihin mo naman sa akin kung kelan kayo mag fifirst blood ni Veal para makapanood ako ng liveshow."pang-aasar ko sa kanila.

"Pakyu ka,so ano matutulog nalang ako?"Aba mukhang napipikon ang bruha.

"Uy,wag ganun mars.Parang si others ka naman eh."bigla niyang binalibag ng malakas ang pinto kaya napatalon ako.

Shit ka Veal!Ang pikon mo!

"Sige gaganyak na rin ako."sambit ni Blood na ikinatango ko na lamang.

Bumalik ako sa aking silid at nagsimula naring gumanyak.Matapos ang halos isang oras na kaartehan ay lumabas na ako habang nakasunod sa aking likuran si Lazarus.Ehhh?Bakit pala nakasunod ito sa akin?Saan na naman bang lupalop ng mundo ito nanggaling?

Ang outfit of the day ko ngayon ay,puting long-sleeve shirt,khaki shorts at cream coloured addidas.Nagsuot rin ako ng black na cap kasi baka masunog ng husto ang balat ko sa pagbabad sa ilalim ng araw.Maya-maya ay lumabas na ang dalawa sa kani-kanilang silid,pare pareho kami ng outfit na naka long-sleeve shirt pero iba-iba ang kulay;kay Blood ay black,Veal is blue.Sa pang-ibaba naman ay naiba sa  amin si Blood,he was wearing a grey cargo short.

"Gora na?"masiglang tanong ni Veal.Umiba ang timpla ng mood ng gagita,baka nahimasmasan na dahil nakapaligo.

Tumango na lamang kami ni Blood saka kami lumabas ng dorm.Nang malapit na kami sa trangkahan ng akademya ay may tumawag sa akin.

Magia Academy:The Next Celestial MageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon