His POV
Nandito ako ngayon sa Myrrhosium Forest para magpalabas ng sama ng loob,gusto ko ng makakalaban eh.
"Booommm"parang malakas ang pagsabog nayon ah?
Binilisan ko ang paglalakad para alamin ang pinanggalingan ng tunog na iyon at nakaharap ako ng limang lobo.Agad kong ginawang sandata ang aking hikaw,ito ay isang puting baril na may disenyo ng dragon.
Sumugod sa akin ang dalawa sa mga lobo kaya agad ko itong binaril at yun...nakahandusay na ito sa lupa.
Mukha yatang di nila kilala ang kanilang kinakalaban ah."Your messing with the wrong guy bastards"tinutok ko ang aking baril sa ulo ng pangatlong lobo pero napahinto ako dahil sa isang napakalakas na alulong.
Nilibot ko ang aking mata pero wala na akong nakitang iba pang lobo maliban sa lobo na nasa harapan ko.Tumakbo ang tatlong natitirang hayop palayo kaya sinundan ko ito,gusto ko rin namang malaman kong anong kababalaghang bumabalot sa kagubatang to noh.
Huminto ang mga ito sa nagkukumpulang mga kalahi nila at parang may pinapalibutan sila eh kaya dahil nagtataka ako tumungo ako sa isang malapit na puno at inakyat ito.
Mula sa punong kinaroroonan ko ay naaninag ko ang kanilang kinaabalahan,isang binatang sugatan na may hawak-hawak na espada.
"Tulungan mo siya!"utos sa akin ng mabuti kong konsensiya.
"Wag!Bakit sino ba siya para tulungan mo mamaya kong tulungan mo siya ay ikaw pa ang mapahamak kaya pabayaan mo nalang siya."pagdedebate ng isa pang parte ng aking utak.
"Can you two please keep quiet?"inis kong tanong sa dalawang diwa na nagdedebatihan sa aking isipan.Ang ingay nila eh,hindi ba nila nakikita na nagfofocus ako sa panonood?
Okay kaya bumalik na tayo sa binatang yon.Marami ang kanyang sugat,may nalapnos na balat sa kanang balikat at sa kanyanng leeg,marami-rami rin ang kanyang mga gas-gas at pasa and lastly he seems to be very tired to fight with those stupid weaklings.
Sa katagalan ng aking panonood ay napansin ko na umiiba ang anyo ng kanyang sandata, may ginagawa niya itong pana at minsan ay baril, nalilito na nga ako kung ano nga ba talaga ang tunay na wangis ng kanyang sandata eh but one thing ang alam ko baguhan pa lang siya sa paggamit ng sandata.
You know why?kasi I know if a person is expert on handling a weapon dahil I am one of those experts.Bata palang ako ay tinuturuan na ako ng aking ama ng tamang paggamit at paghawak ng sandata kaya ngayon I am one of experts in handling different kind of weapons pero mas trip ko ang gumamit ng espada at saka baril ngayon tama na muna ang pagkukwento ko ng aking buhay.Makikilala niyo rin ako in the near future.
Hindi makalapit ang mga lobo sa kanya dahil parang may pwersang bumabalot sa binata na siyang nagsisilbing harang nito laban sa mga hayop.
Alam ko ang uri ng magie na iyan,yan ay tinatawag na Force Field na kung saan may kakayahan ang isang tao na gumawa ng iba't-ibang uri ng harang pero he doesn't seem to be familiar to me hmmm... sa MA rin kaya siya nag-aaral?
"Ahhhhhhh"napatigil ako sa pag-iisip ng nakarinig ako ng sigaw.Tiningnan ko ang kalagayan ng binata at nakita kong nakapatong ang isang lobo sa kanya habang kagat-kagat nito ang kanang balikat ng lalaki.Mukhang nagpupumiglas ang lalaki mula sa lobo pero parang hinang-hina na siya kaya di na niya pinagpatuloy ang panlaban.
Dahil sa aking nasaksihan bumaba ako sa aking tinataguang puno at binaril ko ang nakapatong na lobo sa kanya.It seems that he can't handle this on his own kaya tutulong nalang ako.
BINABASA MO ANG
Magia Academy:The Next Celestial Mage
FantasíaA prophecy was stated,when the moon meets the sun the entire magic world will be in chaos.The second holy war will begin and only a child with an ancient power can stop it. Siya si Damon isang baklang mataray pero kahit ganon ay napakabait niyang ta...