Maraming salamat sa 50k na reads😍😍😍I'm so happy talaga hehehe.Thank you so much sa comments,votes,at follow niyo guys.Lab yow all😁😁
THIRD PERSON POV
"Kamusta ang iyong lakad aking kapatid?"tanong ni Arturo kay Orthox na kakarating lamang.Ang lalaking nakaroba ay lumingon sa kaniya at ngumiti.
"Mabuti naman Arturo,walang masyadong nangyari."nakangiting sambit ng lalaking nakaroba at pumasok sa kaniyang isipan ang kanilang engkwentro ni Damon.
"Batay sa iyong ngiti ay hindi maaaring walang nangyari."wika ni Arturo na nakaagaw ng pansin ng kaniyang kapatid.
"Hahaha tunay ngang kilala mo talaga ako Arturo."natatawang sambit ni Orthox at lumapit sa nakababatang kapatid.
"Kung ganon ay ano ang nangyari?"mapag-usisang tanong ni Arturo.
Hinubad ni Orthox ang kaniyang roba at hinayaan itong bumagsak sa sahig bago sumagot sa katanungan sa kaniya.
"Nagkita kami ng Itinakda."malimit na sagot niya at ipinakita ang kaniyang kaliwang kamay na kulay asul ang balat.
"Anong nangyari riyan?"napalaki ang mata ni Arturo sa kaniyang nakita,nataranta siya at kinabahan para sa kalagayan ng kaniyang kapatid.
"Ito ay gawa ng kaniyang kapangyarihan.Nang siya'y aking sakalin,nakaramdam ako ng ibayong lamig,nanunuot ito sa aking kalamnan na animo'y binabalutan ako ng yelo."nagulat si Arturo sa itinuran ng kaniyang kapatid.Nakaramdam siya ng kaba para sa kanilang panig sa paparating na digmaan.
"Paano nangyari iyon?"seryusong tumitig sa kaniya si Orthox.
"Nakamit na niya ang basbas ng mga diyos at diyosa."
"Kung ganon ay mahihirapan tayong sugpuin ang liwanag sapagkat tuluyan nang nagising ang kapangyarihan ng itinakda."nag-aalalang wika ni Arturo habang nag-iisip ng ibang paraan upang sila'y manalo sa digmaan.
"Huwag kang mag-alala aking kapatid,hindi ko hahayaang matalo ng liwanag ang kadiliman.Magtatagumpay tayo."buong kumpiyansang sambit ni Orthox habang nakatanaw sa bintana ng kaniyang silid.
"Ngunit paano natin iyan magagawa,Kuya?"Lumingon sa kaniyang kapatid si Orthox at pinitik ito sa noo.
"Hindi pa lubosang alam ng itinakda ang paggamit ng buong pwersa ng kaniyang kapangyarihan,nagsasanay palang siya kahit malapit na ang pag-iisa ng araw at buwan.Magtiwala ka sa akin Arturo hindi ko hahayaang masayang ang iyong pinaghandaang digmaan sa ilang daang taon.May naisip akong plano na ikakadagdag pa ng ating pwersa."ngumiti na lamang si Arturo kay Orthox bilang pagsang-ayon.
Mas maraming alam ang kaniyang nakakatandang kapatid sa kaniya pagdating sa larangan ng pakikipagdigma.Mas wais ito at mas malakas kaya matindi na lamang ang paghanga niya sa lalaki.
"Kung ganon ay kailan natin isasagawa ang iyong plano?"kahit hindi man alam ni Arturo ang balak ng kaniyang kapatid ay batid niyang para ito sa kanilang ikakatagumpay.
"Sa kabilugan ng buwan."
DAMON'S POV
"Freeennnyyy!"sigaw sa akin ni Veal na tumatakbo.
Narito ako ngayon sa gitna ng field upang magsanay sa paggawa pa ng ibang atake gamit ang sinag ng araw.Wala kaming pasok sa History Class kaya naisip ko na kesa igala ko ay ubusin ko na lamang ang aking oras sa pag-eensayo tutal iyon naman ang kailangan ko sa lahat.
"Frenny,kung ako sa iyo ay kumain ka kaya muna.Hindi ka pa kaya nakapagtanghalian at juskolord..bakit nandito ka sa gitna ng arawan nag eensayo?"tanong niya sa akin na ikinabatok ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Magia Academy:The Next Celestial Mage
FantasíaA prophecy was stated,when the moon meets the sun the entire magic world will be in chaos.The second holy war will begin and only a child with an ancient power can stop it. Siya si Damon isang baklang mataray pero kahit ganon ay napakabait niyang ta...