Chapter One

26.7K 292 16
                                    


DISCLAIMER:

THIS BOOK IS A WORK OF FICTION, ALL THE CHARACTERS ARE NON EXISTENT. ANY NAME OR NAMES THAT HAPPENS TO RESEMBLE AND UNDERGONE IDENTICAL EVENTS IS PURELY COINCIDENTAL AND WAS NOT INFLUENCED OR INSPIRED  BY AN INDIVIDUAL. OUTSIDE THE IMAGINATION OF THE AUTHOR.

DUPLICATION AND USAGE OF THIS WORK ENTIRELY OR PARTLY IN ANY FORM ELECTRONIC OR MECHANICAL OR BY ANY MEANS WITHOUT THE PERMISSION FROM THE AUTHOR IS STRICTLY IMPERMISSIBLE AND FORBIDDEN.

AUTHORS NOTE:

THIS IS MY FIRST WORK HERE IN WATTPAD, THIS IS NOT PROOFREAD, EXPECT TO ENCOUNTER GRAMMATICAL ERRORS AND TYPO ERRORS. STORY IS WRITTEN IN FILIPINO AND ENGLISH.









KADILIMAN ang bumungad sakin, ilang saglit lang at nag adjust ang pares ng mga mata ko sa dilim ng apat na sulok ng kuwarto na hindi kalakihan, sakto lamang para sa pang isahang tao, oo na sige na ako na ang mag isa na ang tanging ka face to face ay ang puting kisame. Na-agaw ang atensyon ko ng ingay na dahilan kung bakit ako nagising mula sa napaka himbing na tulog patunay ang basang laway na pinahid ko pa gamit ang kanan kong kamay. Naka rinig ako ng tila nag uusap mula sa labas ng apartment, nakinig pa ako saglit, base sa tono ng boses ay malamang nag aaway. Inabot ko ang cellphone ko sa bedside table at ayon doon ay alas tres na ng umaga utang na loob naman sa dalawang yun kung sino man sila! pero kahit hindi na ako sumilip sa bintana ay may ideya na ako kung kaninong boses ng lalaki nang gagaling yun sa mahigit isang taon ay very much familiar na sakin ang naturang boses. Baritoned, masculine, tunog palang alam mo ng galing sa isang malaking mamaw, este mama. Napabalikwas ako ng bangon ng marinig kong may nabasag, naku po ano nanaman kaya itong gulong pinasok ni dok pogi at sino nanaman kaya yung babaeng kausap niya? bilang hindi ako mahilig mangialam sa buhay ng may buhay ay dahan-dahan akong lumapit sa bintana at sumilip sa blinds. Pero useless din kasi hindi abot ng paningin ko ang puwesto ng dalawang nag tatalo, katabi ko kasi ang unit ng doktor. Pero malinaw ko namang napakinggan ang sinasabi nila.

"Seriously JP you're really letting me drive myself home? "

"You asked for it Gwen"

"You really don't get me don't you, for a doctor you sure are stupid, you should know for a fact that when a woman said no it obviously means the opposite "

"Well I'm sorry I'm not a psyche doctor"

"I hate you JP! break na tayo! and this time I mean it, your're a selfish cheating insensitive scumbag, hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo"

"Gwen please tone down your voice, binubulahaw mo ang mga kapit bahay nakakahiya"

"Meron ka ba nun? Nahihiya ka sa mga kapit bahay mo pero sakin hindi? why? because you don't want them to know how a cheating bastard you are!"

"I said stop it, it's 3am for godsakes I'm sleepy and I'm f****** tired and I'm dealing with some nonsense, hearing you're whines and craps"

"You think I'm nonsense -"

"Kung hindi mo kayang umuwing mag isa then I'm taking you home, c'mon"

"Get your filthy hands away from me! let me go! "

"Shut up! And stop acting like a brat"

Para akong nakikinig ng drama sa radyo. Nakita ko nalang ang dalawa na dumaan sa tapat ng unit ko papunta sa gate, hila-hila ni doc ang babae na nag pu-pumiglas pa rin. Imposible naman na makita nila ako sa puwesto ko dito sa bintana kaya kampante parin akong naka silip. May katangkaran ang babae nakasuot siya ng dress na hapit na hapit sa katawan with curves in all the right places hindi ko lang nakita yung mukha dahil aside sa madilim na ay naka tagilid pa siya pero for sure maganda yun, chicks. Mga tipo ni Dok. Pero teka kahit na hindi ko nakita ang mukha ng babae siguradong sigurado ako na hindi yun ang girlfriend ng doktor, magkaiba ang hubog ng katawan at ano yun biglang tumangkad? may ilang beses kasi na may nakita ako na bumi-bisita kay dok JP na magandang babae medyo clingy din kaya I assumed na in a relationship ang dalawa, tapos itong isa naman nakikipag break? girlfriend din? kung ganun ay totoo nga ang bintang nya kay JP cheater nga talaga ang lalaki.

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon