Chapter Sixteen

4.3K 94 6
                                    

"Hi nice to meet you, I'm Jen"

Naka ngiti siya sakin nag isang lingya ang mata, lalo siyang gumanda tingnan. Pantay-pantay ang ngipin at maputi may kapintasan man lamang ba ang babaeng ito?

Klinaro ko muna ang lalamunan ko at hinamig ang sarili bago sumagot

"Hi nice to meet you din"

Ramdam ko ang awkwardness ko nang bumeso siya sakin, pinilit kong mag mukhang normal ang itsura lalo pa at naka tingin ang ilang pares ng mga mata saamin. Halos mapunit ang bibig ko sa pilit na ngiti kahit na ang totoo ay umiiyak naman ako sa loob.








PAGKA-PASOK ko sa loob ng banyo ay agad kong ni-lock yun, napa hinga ako ng malalim pilit na pinapa kalma ang sarili. Kanina pa parang sasabog ang puso ko nag uumapaw yun sa emosyon. Selos, pagka-sawi, lahat-lahat na.

Nang maka hanap ako ng pagkaka taon ay nag paalam ako kanina kay Pocholo na mag ba-banyo, tinuro naman sakin ng waiter kung saan. Kailangan ko kasi munang mapag-isa kahit saglit lang. I need to let this out ayoko naman kasi na um-eksena dun sa labas, ayoko magpaka mellow dramatic sa totoo lang ay hindi ko rin gawain ang mag emote pero tingin ko kasi ito ang kailangan ko at this very moment at ayan na nga ramdam ko na ang pag iinit ng sulok ng mga mata ko nananakit na rin ang lalamunan ko.

Wait for it...

At tumulo na nga ang mga luha ko, hindi puwede ito masisira ang make up ko baka mamugto din ang mga mata ko at may maka pansin. Dali-dali kong kinuha ang tissue sa pouch na dala at maingat na pinunasan ang luha. Girlfriend na nga talaga ni JP si Mulan at kahit mag lupasay at ngumalngal pa ako ay wala na akong magagawa, may iba siyang mahal and that's the ugly truth. Wala akong ibang option kundi ang mag move on, alam ko hindi madaling gawin yun pero may magagawa pa ba ako?

Sabi nga nila if you love someone set them free, dapat maging masaya na rin ako para sakanya na nahanap na niya ang taong mamahalin niya for real na sa wakas ay naka laya na rin siya mula sa dating lifestyle niya na papalit-palit ng babae. Aminin ko man sa hindi mukhang tama ang naging choice ni JP this time disente, edukada at mukhang mabait ang babaeng napili niyang mahalin. Hindi ko alam kung naka gaan ba sa damdamin ko ang isiping yun, kung sabagay knowing na sa matinong babae mapupunta si JP ay kahit papaano ay maka-kampante na rin ako.

Nang maisip na baka masyado na akong natatagalan sa loob ng banyo ay inayos ko ang sarili ko nang makuntento ay lumabas na ako at tinunton ang daan pabalik sa pool area, mas maayos na rin naman ang pakiramdam ko kaysa kanina. Kailangan kong tapusin ang party ayoko naman kasing mag-aya at mag dahilan kay Pocholo nakaka hiya naman tyaka pansin ko na panay ang tingin niya sakin kanina. Pag liko ko ay nagka gulatan pa kami, nasa isipan ko palang siya ay heto na kaagad sa harapan ko.

"Nagulat naman ako sayo"

Nasapo ko pa ang dibdib

"What happened? are you alright?"

"Oo naman, m-may tinawagan lang ako tara na balik na tayo sa table natin"

Hinawakan ko siya sa braso at hinila na, nagpa tangay nalang si Pocholo. Malayo palang ay tanaw ko na ang pigura ni JP katabi ang kasintahan niya, may kumudlit nanaman ulit na kirot sa dibdib ko. Namalayan ko nalang na magka holding hands na pala kami ni Pocholo habang nag lalakad, nag tatakang pasimpleng binawi ko ang kamay ko pero hindi yun pinakawalan ng lalaki

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon