Chapter Twelve

4.5K 104 4
                                    

"Hello earth to Kristina Dimagiba"

Pumitik-pitik pa si Joms sa harap ng mukha ko para makuha ang atensyon ko, hindi ko namalayan na naka tulala na pala ako

"Huwag mong sabihin na makikipag sabayan ka rin dito kay Virgie, kanina ko pa napapansin na tahimik ka diyan anong problema mama?"

Kanina pa kasi sige sa kaka tungayaw si Virgie tungkol sa marital problem niya, makikipag hiwalay na daw talaga siya dahil nalaman ni Virgie na may ibang kina-kalantari ang magaling niyang asawa. May balak pa yatang mag eskandalo si Virginia sa opisina ng lalaki dahil sa pangangaliwa

"Porke't nanahimik may problema na agad? hindi ba puwedeng nakikinig lang ako sa pinag-uusapan niyo"

"Sige nga ulitin mo nga ang pinag-usapan namin kanina ka pa absent minded diyan lumipad na yata ang utak mo papuntang Singapore"

Pinandilatan ko ang mahaderang bakla

"Huwag ka ngang OA diyan bakla, huwag ako ang pag diskitahan mo at si Virginia itong may pinag da-daanan"

Buti nalang at hindi masyadong matao sa bistro na kina ro-roonan namin at sa pinaka sulok pa na booth kami pumuwesto kaya't wala namang naka witness sa pag da-drama kanina ni Virgie. Bilang kaibigan ay naawa ako sa sitwasyon niya aside kasi sa siya na halos ang nag sho-shoulder ng mga gastusin sa bahay dahil sa magkano lang naman ang sine-suweldo ng asawa niya na madalas nilang pag awayan ay lolokohin pa siya

Bigla tuloy akong nahiya sa dahilan ng pag ngingit-ngit ko, ako yata itong OA at nagpapa apekto sa nakitang picture kanina sa internet, may follow up pa kasi ang post ni JP kahapon. Kaninang umaga ay may in-upload siyang selfie na hindi naman niya normally ginagawa, kasama niya sa naturang larawan ang chinita na mula sa naunang picture parang linamukos at pinira-piraso ang puso ko hindi pa nakuntento ay isinalang pa sa shredder machine. Batbat ng reactions at comments ang naturang post at base sa mga nabasa ko ay mukhang matagal ng magka kilala ang dalawa she's an old friend or something more than that

"Mama sure ka ng makikipag split kana sa asawa mo? pano ang mga junakis niyo kawawa naman baka puwede pang aregluhin yan"

Tanong ni Joms

"Pu**** *** nyang ha*** siya sawang-sawa na akong intindihin siya ilang taon na akong nag titiis sakanya isa siyang malaking pasanin sa buhay, kakarampot na nga lang ang suweldo niya nambabae pa syang king-ina niya, siya nga hindi naawa sa mga anak namin aba! may hangganan din ang pagiging tanga-tangahan ko ano! masyado na syang sine-suwerte kapag pinag bigyan ko pa siya ngayon!"

"Ssh bakla kalma lang hindi natin kaharap ang mister mo reserve mo yan pag sinugod mo bukas sa opisina baka palayasin nalang tayo dito ng dahil diyan sa boses mo"

Hinaplos haplos pa ni Chinky ang likod ni Virgie, inabot ko naman sakanya ang inumin niya tinanggap naman niya yun at ininom pagkatapos ay napahinga pa ng malalim

"Ano na? Nakalamay mo naba ang sarili mo? baka bumulagta kana lang diyan sa sama ng loob, kung ako sayo iiyak mo yan ng mailabas mo heart illness are sometimes caused by too much indignation"

"What? what's that again? indignation?!"

Pinandilatan ako ni Joms at kinurot-kurot pa ako sa tagiliran

"Bakla ka ayaw mo ng anger kasi gusto mo ng indignation?"

Natampal ko nga sa noo

Natigil lang kami sa pag ha-harutan nang bigla naming marinig ang isang hagulgol,  nagka tinginan kaming tatlo at naka tanga lang na tiningnan si Virgie. Naka tungong tinakpan ang mukha gamit ang dalawang kamay habang umiiyak umaalog pa ang balikat. Iisa lang ang ekspresyon ng mukha naming tatlo kundi simpatya, naglabas ako ng Kleenex na tissue mula sa bag ko at inabot yun sa kaibigan.

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon