Epilogue

3K 54 14
                                    

INDESCRIBABLE

Yun marahil ang maisasagot ko kapag tinanong kung ano ang nararamdaman ko nang sandaling 'to

Kaba, saya, excitement, overwhelmed. Pinag halo-halo na. Pero nangingibaw syempre ang kasiyahan ko habang nag lalakad sa imbes na red carpet patungong altar ay buhangin na may talutot ng mga rosas. Sa mag kabilang gilid ay may mga kalahating metrong taas ng lantern, linigid ko ang paningin sa kokonting bisita na naka tayo sa kabilaang gilid ng aisle, 50 guests.

Family and closest friends, lahat ay naka ngiti. It's an intimate wedding just like how we both want it. Everything looks perfect lahat ng effort ay kaunting stress ko sa preparation ng wedding na ito ay nag lahong lahat lalo na pag tingin ko sa altar nandoon at naka tayo ang lalaking pinaka guwapo sa lahat ng guwapo

Pano ko nga ba nagawang gayumahin ang lalaking 'to

Aba'y kasuwerte ko naman

He looks dreamy in his white long sleeves, khaki pants and leather shoes

Bagong gupit din sya at fresh na fresh tingnan

Humanda ka saken mamaya

Hindi ko maiwasang kiligin sa naisip, malapad din ang ngiti ni JP habang mataman ang tingin saken, mukhang may alam kung ano ang tumatakbo sa isip ko, sa isang iglap ay tila nag laho lahat ng tao sa paligid at ang natira nalang ay kaming dalawa. Naka dagdag sa angking kaguwapuhan ng mapapa ngasawa ko ang tama ng araw sa may background, it feels like I fell head over heels all over again.

I fell in love with a good man, a man that loves me may topak man ako o wala. Ang lalaking hindi lang ako ang minahal ngunit maging ang mga mahal ko sa buhay. Sa naisip ay may sumungaw na luha sa gilid ng mga mata ko, sa kalagitnaan ng aisle ay nag hihintay ang mga magulang ko pareho ko silang hinagkan saka magkaka hawak na nag lakad tungo sa altar

May ibinulong ang tatay ko kay JP kung ano man yun sila nalang ang nakaka alam

Finally, we held hands, lovingly stared at each other

He mouthed I love you

Na syempre ay tinugon ko naman

"We are gathered here in the presence of God, family and friends to unite Kristina and JP in holy matrimony"

Aniya ng officiating priest, it's a beautiful wedding ceremony. Perfect celebration of our love

"By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride"

Nag palakpakan ang mga naka saksi ng pag iisang dibdib namin ni JP na ngayon ay asawa ko na

Walang pag sidlan ang kaligayahan ko, pati narin ang nararamdamang pag mamahal sa kabiyak, dahan dahan nyang tinaas ang belong naka takip saking mukha

Ang tagal! Cheret

Pakiramdam ko ako na ang pinaka magandang babae sa balat ng universe sa paraan ng pag titig nya saken, his love is evident all over his face. Hindi ko na masigurado kung nangilid din ba ang luha ng groom ko dahil kung gaano kabagal ang pag tanggal nya ng belo ko ay sya namang bilis ng pag dampi ng labi nya saken. Dama ko ang halik nya it's pure and heartfelt, our first kiss as a married couple

"I love you Mrs. Guanzon"

"I love you too"

Naging emosyonal ako at ako na mismo ang nag tawid ng pagitan namin at binigyan sya ng halik sa labi.







"Wow! Ang ganda naman dito"

Bulalas ko

Inhatid kami ng bangka kanina sa maliit na isla na kinaroroonan namin mula sa tinutuluyan naming hotel, solo namin ang isla. Asul na asul ang malinis at malinaw na dagat, pino ang puting buhangin, masarap yun sa paa

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon