Chapter Seventeen

4.4K 84 5
                                    

"Ay!"

Natutop ko ang bibig sa impit na sigaw na kumawala sa lalamunan ko, nakita ko kasi ang isang bata na nadapa mga ilang metro lang ang layo mula saakin. Dinaluhan ko ang bata para itayo hindi man lang siya umiyak, kaninang nasa malayo akala ko ay babae kasi mahaba ang buhok pero nang pag masdan ko ng mabuti nakumpirma kong baby boy pala 

"Ayos ka lang ba?"

Tanong ko na pinag masdan ang mukha ng bata, pinigilan ko ang sarili ko na pang gigilan ang pisngi niya na bilog na bilog na parang siopao at mamula-mula pa. Natatakpan pa ng slight ang mukha niya ng bangs, bilugan ang itim na itim na mga mata at inggit na inggit ako sa malalantik niyang pilik. Ang cute-cute ng batang areh!

"Yes I'm fine"

At aba english speaking pa!

Siguro may lahi itong batang 'to mestisuhin ang itsura, bigla tuloy sumagi sa balintataw ko ang anyo ng isang lalaki na maikukumpara ko sa itsura ng batang nasa harapan ko ang pinag kaiba lang ay ang kulay brown na parang tsokolate na mga mata niya pati na ang buhok na may pagka alon-alon. Kung dati may kilig na hatid sakin kapag naaalala ko siya ngayon ay lungkot at kahungkagan nalang ang nararamdaman ko, ayan napapa senti nanaman tuloy ako.

"Sure ka ba? you're not hurt?"

Nakita ko ang munting gasgas sa binti niya

"No I'm not hurt my mom said that boys should be strong and tough"

Kunwari pa siyang nag flex ng muscles niya natawa naman ako dahil dun, ilang taon lang ba itong baby boy na 'to? about three or four? pero daig pa ang matured mag isip kung sabagay receptive ang mga bata madali nilang tanggapin ang mga bagay na sabihin sakanila, malay ko ba kung masyadong na induced ng nanay si baby boy na ganon ang maging way of thinking.

"Yes you're mommy's right but sometimes it's not bad to show emotions sabi nga nila real men cry"

Blangko lang siyang naka tingin sakin, hindi pa siguro masyadong naunawaan ang sinabi ko. Ginulo ko nalang ang buhok niya saka napa ngiti, nakaka tuwa siya. Sarap ampunin, may longing akong nakapa sa puso ko habang naka tunghay sa mukha ng bata. Napa tingin ako sa paligid.

"Whose with you? Where's your mommy?"

Jusko hindi dapat pinapabayaan ang mga batang katulad nito paano kung may kumuha nalang dito bigla? Kay guwapong bata pa naman at ang lusog

"Susmaryosep Zeke! nalingat lang ako saglit nawala kana I've been looking for you tinakot mo ako bata ka"

lumapit saamin ang isang may edad na babae na naka uniporme hula ko ay maid, naka rehistro ang labis na pag-aalala sa mukha niya

"Yaya!"

Parang natuwa naman ang bata pagka kita sa yaya niya, pinupog naman ng halik ng may edad ng babae ang bata na Zeke pala ang pangalan

"Do you know her Zeke?"

Tanong ng yaya nang mapansin ang presensya ko, nag i-ingles din siya. Napa isip tuloy ako kung kasama ba sa qualification ng amo niya sa pag ha-hire ng katulong na dapat marunong mag salita ng english

"Nakita ko po kasi na nadapa siya kanina tapos pag tingin ko walang kasama baka kako nawawala mahirap naman pong iwanan"

"Naku salamat miss ha may pagka malikot kasi talaga 'tong alaga ko nagpa bili ng pagkain kanina pag tingin ko wala na"

"Wala ho yun dobleng ingat nalang po kayo next time ang pogi pa naman nitong baby oh"

Sabi ko sabay mahinang pinisil sa pisngi si Zeke, giliw na giliw talaga ako sa bata

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon