Chapter Thirty Five

4.7K 85 8
                                    

"kamusta naman ang puso mamsh?"

Tanong ni Chinky

"heto tumitibok pa naman"

Sagot ko saka pilit na ngumiti

"in fairness blooming ka ngayun Tins"

Puna ni Virgie

"Korak, hindi kamukha nang mga nakaraan akala ko nagsisimula ng magkaroon ng Zombie Apocalypse, 'ta mo ngayun naka dress ang lola mo full gear din ang make up may date ka pagka tapos nito cyst?"

Nagka yayaan kaming apat na lumabas ngayung gabi, tutal weekend at nataon din na payday. Medyo jam-packed ang bar na kinaroroonan namin na may tumutugtog na live band.

"actually meron, charot"

Sabi ko na sinabayan yun ng tawa

Sabay-sabay ang tatlo na napatunganga sakin

"o ba't kayo ganyan kayo kung maka tingin?"

"marunong kana ulit mag joke cyst unti-unti na ngang bumabalik ang dating Tinay naka move on kana ba?"

Tanong ni Joms

Saglit akong nag isip

Hindi pa ako nakaka move on, siguro mga 0.5 percent palang. Napag isip-isip ko lang na hindi ko kailangang mag mukhang miserable, hindi ko na hahayaang mag manifest sa itsura at aura ko ang totoong saloobin ko.

"wala naman akong choice kundi ang mag move on diba? Maikli lang ang buhay wala akong balak na magpaka miserable ng matagal na panahon, pano ako magkaka love life uli nyan?"

"ay bongga ka dyan cyst!"

"let's toast para sa bagong love life ni Tinay and for a drama free life!"

Nag offer ng toast si Virgie, sabay-sabay naming pinag pingki ang mga baso namin.

Ang totoo wala pa naman talaga akong balak mag love life at wala narin ata akong balak pa'ng muli. Tingin ko wala na akong kapasidad na mag mahal pa ng ibang lalaki dahil panigurado ihahambing ko lang yun kay JP.

JP is my greatest love, sakanya lang ako nakaramdam ng ganun katinding emosyon sa tanang buhay ko.

Ala-ala nalang ang mga naganap saamin na alam kong babaunin ko ng matagal.

Minsan nang hihinayang ako, kung alam ko lang sana pala nagpa buntis nalang ako para totoong may ala-ala ako sakanya, puwera biro gusto ko na rin talagang magka roon ng anak. Mamahalin ko ang bata at gagampanan ko ng maayos ang pagiging magulang mag isa man akong magpapa laki sakanya.

"mam may nagpa pabigay po sainyo"

"ay para sakin ba 'to?"

Ngiting-ngiting tanong ni Joms sa waiter na nag abot ng drink

"Hindi po para po kay mam na naka pula"

Nag tilian ang tatlo at tinudyo-tudyo ako

"sino ang nag bigay?"

Tanong ko

Sinundan namin ang tinumbok ng mga mata ng waiter

Sa may bar counter  sa 'di kalayuan ay may lalaking nakatayo hula ko ay nasa mid-thirties naka tingin din sya samin at itinaas ang kopita saka pasimpatikong ngumiti

Iniwanan na kami ng waiter, sa tingin palang ay parang nagkaka unawaan na ang mga kaibigan ko

"lapitan mo na cyst 'di na masama winner kana dyan"

Udyok ni Jomari

Hindi ako tinantanan ng tatlo, ang lalaki naman ay panay ang tapon ng tingin samin, infairness hindi naman ako naalibadbaran sa tinging ipinupukol ng lalaki, at ano nga bang sabi nila pagka pogi ang tawag admirer.

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon