Chapter Thirteen

4.3K 92 4
                                    

Panay ang tingin ko sa cellphone ko na naka patong sa dresser, ilang araw ko na itong pinag isipan at ngayon ay buo na ang desisyon ko. Halos mag ta-tatlong linggo ng hindi kami nag ki-kita ni JP mas mahaba pa sa panahon noong lumipad siya papuntang Singapore, mukhang hindi na pumipirmi ang lalaki sa bahay niya madalas na wala ang sasakyan niya sa garahe. Nung minsang mag palitan kami ng message ang sabi niya ay nasa Bacolod siya dahil naimbitahan daw ng LGU doon ang grupo nila para mag conduct ng medical mission, hindi rin nag tagal ang palitan namin ng mensahe dahil hindi na siya nakapag reply. Sa ngayon ay wala na akong balita sa mga whereabouts nya

Ngayon ay malinaw na sakin ang plano na dapat kong gawin na conceptualized ko na sa isipan ang mga magaganap kaya ngayon ay si-simulan ko na ang first step. Kinuha ko ang cellphone ko at tumipa doon, narinig ko ang pag ring ng kabilang lingya pero ang operator lamang ang sumagot sakin, busy. Nag try ako ulit naka ilang attempt pero hindi talaga siya sumasagot, may nananabotahe pa yata sa mga binabalak ko sa buhay. Sige isa nalang at pag papahingahin ko muna, tatawag ako ulit mamaya. Nag ring ulit this time ay gi-give up na sana ako at puputulin ang tawag nang marinig ko ang boses ni JP.

"Oh sorry ngayon ko lang nahawakan ang cellphone ko naiwanan ko sa drawer I was busy attending to my patients, what's up? "

"Pasensya na ang dami ko yatang missed calls"

Nahiya ako dahil dun

"No it's fine is this something urgent?"

"Actually hindi naman, hindi naman sya matter of life and death situation"

Saka ko yun sinundan ng tawa

"Well that's good to hear, so uhm kamusta?"

"Heto okay naman, itatanong ko lang sana if-"

Tumigil pa ako ng ilang sandali

"If free ka ba this saturday night? tinawag ko kasi hindi na tayo magka tagpo this past few weeks hindi kita matiyempuhan masyado ka yatang abala"

Sabi ko na hindi na halos huminga sa magiging sagot ni JP

"Bakit anong meron? may okasyon ba sa saturday?"

"Ahh wala naman may free voucher kasi ako galing sa boss ko sumobra dun sa binigay sakanya baka kako gusto mo akong samahan sayang naman fine dining under the stars"

Sinungaling

Ang totoo kasi niyan ay ako talaga ang nagpa reserve ng may kamahalang dinner date na yun, hayaan na kung para naman sa ikaliligaya ko diba?

"So it's going to be like a dinner date?"

Kung naririnig lang kami ng mga kaibigan ko ay mapapa kamot yung mga yun sa ulo, baka masampiga pa ako dahil daig ko pa ang lalaking manliligaw na nag aaya ng date

"S-siguro-parang ganon na nga"

Napag diskitahan ko pa ang kuko ko at kinagat kagat yun

Please sana naman hindi mapurnada 'tong dinner na ito sayang ng reservation

"What time is it exactly?"

"Seven PM sharp"

"Okay just text me the exact location is it okay na dun nalang tayo magkita? manggagaling pa kasi ako ng QC prior to that"

"O-of course kita nalang tayo"

May narinig akong boses na parang kinakausap si JP

"Okay I'll be right there- ah Tinay I need to hang up see you on saturday?"

"Sige bye, see you"

"Bye"

Pinatay na niya ang tawag, nailagay ko ang cellphone sa dibdib ko

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon