Chapter Four

6.8K 127 8
                                    

Naka labas na ako ng ospital at tuluyan na ngang bumuti ang pakiramdam ko, balik trabaho na uli. Dalawang araw lang akong nawala sa opisina ay gatambak na kaagad ang trabaho na bumungad sakin.

Pag labas ko nga pala noong linggo at noong babayaran ko na ang hospital bills ay nagulat ako ng sabihin sa cashier na clear na daw pala ako at wala ng babayaran, it was already taken care of Doctor Guanzon. Ansabe?! At syempre dagdag pogi points yun sa lalaki, gusto ko mang pigilan ang sarili sa pag iisip ng kung anumang ka assume-an sa buhay ay talagang may pagkukusa yun na mag isip ng mga possibilities kung bakit niya ginawa yun

Hindi kaya he also finds me attractive enough at sa wakas ay nahanap na rin nya ang best angle ko na mahirap hanapin

Dream on Tinay!

Kontra kaagad ng isang bahagi ng utak ko

O baka naman inisip nya na wala akong ganung pera para ipambayad sa ospital, kwarto palang kasi sa isang araw ay halos kantedad na ng isang buwanang sweldo ko, private room pa naman. baka ginawa lang nya akong charity case

Sa dalawang option ay masasabi kong mas malapit sa katotohanan ang pangalawa at dahil dun ay para akong nanlumo at pinira-piraso nun ang katiting na pag asa na umusbong sa puso ko

Hindi ko sya nahagilap ng araw na yun para magpa salamat maging sa apartment niya pagkauwi ko samantalang alam kung doon siya madalas nag lalagi kapag araw ng linggo.

At ang malandi ko namang kaibigan na si Chinky kahit may asawa na ay tahasang inamin na crush nya din daw si JP

Pero dahil daw taken na siya ay mag papaubaya nalang sa katulad ko na single. At napatunayan na rin nya sa sarili na kaaya aya nga daw talaga ang doktor at hindi nya ako masisi sa pagka humaling ko pero lalo naman daw nyang na justify na wala akong kapag-a pag asa

Talagang napaka supportive na kaibigan at si Virgie naman ay wala man lang ginawa para ipag tanggol ako hayun at tawa lang ng tawa

Ah ganun wala palang pag asa ha! Sige nga at tingnan natin kung wala nga talagang pag asa kahit na isa sa pinaka friendship ko si Chinky at alam kong bully talaga siya ay naapektuhan ako at na challenge sa pang da downsize nya sa kakayahan at alindog ko

Alam kong hindi ako kagandahan at very typical lang na babae ang itsurahin ko pero siguro naman pag inayos ko ang sarili ko at i-upgrade ko ang wardrobe ko ay magiging kaakit akit narin akong tingnan diba hindi naman talaga ga-ganda ang isang babae kapag hindi sya nag ayos? Mga artista nga eh kelangan pa ng make up artist at stylist to be presentable at very much pampered ang sarili para i-maintain ang beauty, masuwerte nalang talaga ang babaeng natural na talaga ang kagandahan pagka gising palang yun naman ang tipo ng babaeng masarap sabunutan at ikulong sa kuwarto ng magtanda

Ang tipo ko naman ang kelangan talagang pag exert-an ng effort, nung mga panahong mas bata pa ako like early 20's hindi ko talaga hilig ang mag ayos dahil tamad ako at sa isip ko ay gastos lang yun pero baka naman kasi yun na talaga ang kailangan ko para mag blossom ang love life ko at maka kita ako ng pag asa

Wala na akong maisip na ibang lalaki sa kasalukuyan na talagang gusto ko at take note patay na patay ako kundi si JP lamang. Ang kaso sad to say the feeling is not mutual kaya ano ang dapat kong gawin?

Twenty nine na ako at malapit ng mawala sa kalendaryo, zero sa love life may nagugustuhan nga pero hindi ako gusto. Malapit na ako sa finish line at sinabi ko sa sarili ko na makikipag relasyon lang ako sa lalaking idinidikta ng puso ko

Hindi pa naman ganun kalalim ang nararamdaman ko kay JP kasi ang alam ko ay super crush ko lang siya pero siya ang dinidikta ng utak ko at matapos ang nangyari nang naka raan ay siya na lang ang laging laman nun

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon