Chapter Six

5.6K 111 5
                                    

Pupungas pungas na napadilat ako ng mata at tinatamad na inabot ang nag iingay kong cell phone na nag sisilbing alarm clock ko. Pag check ko nun ay nakita ko na may mga text massages yun mula sa mga kaibigan ko, mga birthday greetings at dahil appreciative ako sa mga taong nakaka alala sakin ay agad akong nag reply

Okay birthday ko lang naman another year older, Trentay anyos na meaning tanders na

Bakit ba gan'to ang nararamdaman ko? Bakit parang hindi ako masaya? Sabi nga age is just a number, hindi naman sana siya issue kung disinsanay-hay naku never mind kelangan ko ng bumangon at maligo at baka mamaya maiyak pa ako.

"HAPPY Birthday to you Happy Birthday to you Happy Birthday Happy Birthday Happy Birthday to youuuu!!!.... "

Tuwang tuwa na sabay sabay na kumanta ang kaibigan kong sina Virgie kasama ang mga asawa ng mga nila, nagsi palakpakan pa pagkatapos

"Make a wish bakla"

Lumapit sakin si Chinky na hawak ang cake, pumikit naman ako

Sana magka jowa na ako Lord yung God fearing , responsible, masipag, maaasahan, mamahalin ako ng bongga bonus na kung matanggkad, yung matangos ang ilong, kissable lips basta in short gwapo, yung mestiso na medyo kulot ang buhok tiyaka kung pwede doktor

"Hoy bakla ang tagal naman yata nyang wish mo"

Dinig kong sabi ni Chinky

"Sige lang huwag mo kaming intindihin hindi pa naman kami masiyadong gutom, go take your time nag kakainan lang naman ang large intestine at small intestine ko"

"Mga bakla kayo hindi pa nga ako tapos mag wish eh, istorbo"

Sabi ko na pinandilatan si Joms ang baklang ka officemate namin

"Sinali mo ba naman sa wish mo na sana sa wakas ay magka love life kana?"

Singit naman ni Virgie

"Virginia yearly nalang niyang wish yan per-"

"Ano?"

"Wala sabi ko nga this year sure na sure na ang love life mo na traffic lang ng konti pero parating na din wit lang o blow na your candle"

Pinag duldulan pa ni Chinky ang cake sa mukha ko, hinipan ko ang kandila habang panay naman silang kuha ng litrato sa mga cellphone nila. Nag simula na ngang magsi kainan, pagkagaling kanina sa opisina ay dumiretso na kami dito sa apartment simpleng salo-salo lang naman may inumin din at kantahan

"So ayun nga finally nag propose na sya sakin after four years of relationship namin my gosh up until now hindi pa rin talaga ako maka paniwala I'm getting married!"

Kuwento ng isang officemate namin na si Tanya na obvious ang pagiging masaya, magkaka harap kaming kumakain sa dining habang ang iba naman ay nasa sala at nagkaka tuwaan din

"Girl ang ganda nitong singsing mo truths ba ito?"

Tanong ni Joms na inusyoso ang engagement ring ni Tanya

"Malamang bakla mag bibigay ba ng hindi totoo yung jowa ni Tanya na business man"

Sagot ng isa pa naming ka-opisina

"He got this from Venice"

Pag mamalaki pa ni Tanya, napangiti naman ako ng mapa tingin siya sakin

May nag tatanong ba? Mema lang?

Sabay kuha ko ng baso at uminom ng softdrink

"So kelan na ang wedding? "

"There's no exact date yet pero napag usapan namin mga earlier next year, but I already have the perfect location for the wedding in mind"

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon