Chapter Thirty Three

4.3K 72 17
                                    

"para kayong one big happy family, ganda nyong panuorin"

Puna ni Chinky

Karga-karga ko kasi si Ayesha habang si JP naman ay masayang nakikipag laro sa dalawang paslit na sina Andrei at Toby

"aba oo nga, teka mars kelan ba ang due niyan?"

Susog din ni Jomari, napa yuko ako dahil sa pag turo ng bakla

"ay grabe sya hiyang-hiya ako sa beer belly mo mama"

Sagot ko sabay dutdot sa tiyan ni Joms

"pero bakla bet na bet mo na ang pagiging mudra aminin"

Napa titig ako sa batang kalong ko, nginitian ako at napangiti din ako dahil dun. Pag lingon ko ay nag tama ang paningin namin ni JP na halos sinasakal na ng dalawang bagets, nakapulupot kasi ang braso ng mga ito sa leeg ni JP na hindi naman nito alintana at mukhang nag e-enjoy pa.

The sight stirred up something in my heart, ang sarap panuorin ni JP na nakikipag tawanan at nakikipag kulitan sa mga bata, I knew he's going to be a great father and his a pediatrician he knows and certainly he can tend to the needs of a child. Nakita ko kung paano alagaan ni JP ang mga pasyente nya how much more sa sarili nyang anak?

Sa totoo lang may mga pagka kataon na natatagpuan ko ang sarili kong ini-imagine na bumubuo ako ng sarili kong pamilya na kasama si JP. Nakikita ko ang future ko na kasama ko sya sa pag tanda. Mga ganoong eksena.

"I love kids and the kids loves me, elementary palang ako may mothers instinct na yata ako naging nanay ba naman ako sa mga naka ba-bata kong kapatid"

"so ano na? ano pa ba ang hinihintay nyo? aba'y gumawa na kayo ng mini version ninyong dalawa, galaw-galaw din"

Biro pa ni Vers

Kung puwede nga lang, sa isip-isip ko

"una ang bonaks kesa kasal? syempre dapat kasal muna"

Komento ni Virgie, hanggang ngayun ay medyo awkward pa din ako sa ganap kanina na na-witness pa talaga nito. Kunsabagay hindi narin naman na big deal yun, kung sa tinedyer na tinutubuan palang ng suso syempre issue yun sa kaso ko normal nalang dapat eh ang lagay conservative ang lola nyo.

"ay true, kasal muna dok bago bonaks kahit papano naman ay may care kami sa puri at dignidad nitong kaibigan namin, so kelan ang kasal?"

Muntik na akong masamid ng sarili kong laway sa pagiging garapal ng mga kaibigan ko

"magsi tigil kayo, wag nyong i-pressure yung tao"

Pabiro kong sabi

"syanga? na-pressure kaba dok?"

Kahit kelan talaga napaka adelentada nitong si Chinky, kunsabagay ay halos sanay narin si JP sa mga kaibigan ko

"not at all, maybe some time next year Tingin mo mahal?"

Yung totoo hindi ko inasahan ang sagot ni JP, may pakiramdam ako na allergic sya sa usaping kasalan kaya hindi ko na bino-brought up ang topic patungkol doon. Syempre nababagabag ako ng slight kasi gusto ko ngang mauwi kami doon kaya ganun na lang ang pag darasal ko na sana dumating na ang pagka-kataon na tanungin na nya ako ng bagay na gustong-gusto ko ng itanong nya sakin. Wala akong pakialam kung mag iisang taon palang kami hindi naman ako naniniwala sa long term relationship bago ikasal. Kung tutuusin ay mas romantic pa nga sakin ang whirlwind romance.

Ipinatong ni JP ang siko nya sa backrest ng upuan ko saka ako tinitigan, dinig ko ang ingay ng mga kaibigan ko na kinikilig sa ayos naming dalawa.

"sure ka? kasi sisimulan ko ng ilista ang mga puwede nating gawing ninong at ninang pati narin ang buong entourage"

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon