Chapter Thirty

4.1K 59 8
                                    

Four months later.....

"Happy monthsary"

Dinig kong turan ng baritonong tinig ni JP mula sa likuran ko, dumadapyo ang mainit na hininga nya sa punong tenga ko kapag nag sa-salita, dahilan upang magsi tayuan ng bahagya ang buhok ko sa batok

"Happy monthsary din mahal"

Sagot ko sa malambing na boses na ipinaling ang mukha patingala kay JP, naka yuko naman sya sakin. Nag palitan kami ng ngiti saka nya ako ginawaran ng halik sa bumbunan at hinigpitan ang pagkaka pulupot ng mga braso nya sa bewang ko. Napapa-buntong hininga ako habang naka tunghay sa magandang view sa harapan namin, mula sa viewing deck ay tanaw na tanaw namin ang Taal Volcano. Nag si-simula pa lamang ang pag lubog ng araw, kuntentong-kuntento at payapa ang pakiramdam ko habang naka paloob sa matipunong bisig ni JP, sapat ang init na nag mu-mula sa katawan nya para maibsan ang pagka ginaw ko kanina.

Nakilala na pala ni JP ang buong pamilya ko, last month umuwi kami ng probinsya. Aprubadong-aprubado sa mga magulang ko ang lalaki, na love at first sight yata ang nanay ko kay JP pagkaka tanda ko ay hindi naman ganun ang pag tanggap ni aling Hermina sa mga naging manliligaw ko noon at maging sa naging nobyo ko na si Kiko. Sobra ang pag aasikaso ng nanay ko sa tatlong araw na pag lalagi namin sa bahay.

"Kelan na ang kasal?"

"nay!"

Napalinga-linga ako sa paligid baka sakaling biglang sumulpot si JP sa kusina

"Ke bago-bago palang namin ni JP kasal agad?"

Tinuon ko ulit ang pansin ko sa hinihiwang patatas

"aba'y bakit? Ke bago o kesyo matagal na kayong magka relasyon pareho lang yun, bakit kamo nagyayang pumunta ng Quezon at gustong makilala kaming pamilya mo aber? Ilang taon kanaba at yang boyfriend mo ha? Malamang nag iisip na yang lumagay sa tahimik"

"wala pa po kaming pinag uusapan, alangan namang pangunahan ko yung tao"

"Kristina anak hindi kana bumabata, sa edad mong yan hindi na bagay sayo ang magpa bebe, maigi din ang maging agresibo paminsan minsan"

"nanay ko kayo pero kayo pa ang nag uudyok na maging hayok ako sa lalaki"

Hindi makapaniwala kong sabi

"kung ganyan ba naman kaguwapo kay Kuya JP ate why not?"

"isa kapa"

Kinurot ko pa ang nakababatang kapatid kong babae

"aray! Bakit totoo naman ah, guwapo, matangkad, magalang, mabait, matalino, mayaman. Chugug na chugug teh"

"anong chugug na chugug?"

"basta narinig ko lang yun, ano teh sabihan naba natin si tatay, para maikasa na natin ang pamimikot mo kay Kuya JP para mas mapadali na ang kasal?"

"heh! Ang mabuti pa tapusin na muna natin 'tong ginagawa natin at mamaya na natin pag usapan yan"

"uyyy si ate gusto ring mamikot"










NAUPO kami sa may bench na napapalibutan ng mga bulaklak, the setting was picturesque. Parang hango sa isang eksena sa pelikula, masaya kaming nag kuwe-kuwentuhan ni JP habang may kalong ako na palumpon ng bulaklak na bigay nya

"Thank you"

Out of the blue ay nasabi ko, too much love is evident kung paano ko paka titigan ang lalaki

"Para saan?"

"Para sa araw na 'to, ganito ko in-imagine kung paano natin ise-celebrate ang fifth monthsary natin"

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon