Chapter Twenty Six

4.8K 72 7
                                    

"Hi love"

Automatic ang kilig ko pagka bungad sa guwapong mukha ni JP, kung puwede ko nga lang hilahin ang oras kanina ginawa ko na sa sobrang excitement na makita sya.

"Hello"

Malawak ang ngiti sa labing salubong ko naman sakanya, saka pumuwesto sa passenger seat ng kotse ni JP, pasimpleng sinamyo ko ang mabango at banayad sa pang amoy na pabango ni JP na lumukob sa buong sasakyan. Pamilyar na amoy na paborito ko sa lahat.

"And how was your day?"

"Maayos naman, medyo nakaka bagot kasi wala akong masyadong ginawa mag hapon natapos ko na kasi yung report ko last week, ikaw kamusta araw mo?"

"Kinda worn out the whole day, dami kong pasyente guess I need a battery refill. Don't I have a kiss?"

"Sinasabi ko na nga ba may kasunod yung sinabi mo eh"

Kunwaring nag isip pa ako kung pag bibigyan sya o hindi

"Mhh sige na nga"

Kinintalan ko sya ng halik sa pisngi

"O bakit?"

Tanong ko nang makita ang reaksyon ng mukha ni JP, nadismaya siguro na sa pisngi ko lamang sya hinalikan.

"Wala naman"

Automatic ang pag paskil ng ngiti sa labi nya saka pina abante ang kotse.

Kada kakambyo ang lalaki ay sasaglit ang kamay nya sa ibabaw ng kamay ko na naka patong sa kandungan ko, miminsan pang kukunin nya yun saka igigiya sa labi nya para halikan ang haba ng buhok ko mula Philcoa hanggang Fairview

Ganda mo Tinay! 'kaw na!

Mahinang tinulak ko sya sa noo gamit ang daliri ko

"What?"

Natatawang tumingin sya sakin

"Mag focus ka kasi sa pagda-drive mo"

Kunwari pa ako samantalang gusto ko naman talaga ang ginagawa nya, nakikiliti lang talaga ako sa pag halik nya sa likuran ng palad ko, papatubo nanaman kasi ulit ang facial hair nya.

"I can't help it"

He said in a boyish grin

'nak ng tokwa ang guwapo ng damuho!

Kung minsan ay kinukurot kurot ko ang sarili ko para masigurong hindi ako nananaginip sa mga pangyayaring 'to

It was surreal, OA ba?

Edi sorry na!

"Kung maka halik at singhot ka diyan sa kamay ko alam mo bang naka kamay ako kaninang lunch? Hulaan mo din kung ano ang ulam ko"

"ano?"

"tuyo na sinawsaw ko sa suka na may bawang"

"really it doesn't smell like it, it actually smelled like peach or was it strawberry?"

Sagot ni JP, inamoy-amoy nya pa ha.

"Maka peach at strawberry ka diyan family rubbing alcohol lang yang naaamoy mo noh"

"No s**t"

Natatawang sabi nya na hindi pa rin tinitigilan ang kamay ko na parang siguradong sigurado sa naaamoy nya dun habang naka tuon ang mga mata sa pag mamaneho

"Oo nga...'de yung pabango ko yang naaamoy mo na strawberry"

"See, tama ako diba"

Sagot nya with a triumphant smile on his face

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon