Chapter Thirty One

4K 68 9
                                    

Dapat na ba akong mangamba mga mamsh? halos mag be-bente kuwatro oras na na walang paramdam ang lolo nyo walang ni ho ni ha sa text, walang tawag ni walang chat. Okay na ako, malamig na ang ulo ko. Ready na ulit akong makipag usap at na mi-miss ko na sya ang kaso inaatake ako ng pride kaya hindi ko magawang mauna na mangamusta sakanya. Disappointed ako noong nag talo kami kasi hindi man lang ako sinuyo ng walang hiya, samantalang dati rati naman konting tampuhan lang parati naman syang nauunang sumuyo at hindi nya pinapa abot ng isang oras yun kaya na ba-bother talaga ako.

"Mamsh diba kay JP yang kotseng yan?"

Pag labas pa lang namin ng Lobby ng office building ay turan ni Joms, aware ang mga bakla na nag away kami ni JP. Bigla naman agad na excite ang puso ko sa narinig

Nandyan si JP!

Pero agad ko ding sinaway ang sarili na huwag masyadong ma-excite, feel ko yatang mag maganda ngayun

"Hoy babae ang sabi ko-"

Sabi ni Joms na tinapik pa ako sa balikat

"Oo narinig ko"

"So anong drama? kanina ang dami mong hanash dahil kesyo hindi ka kinokontak ng tao tapos ngayun nag desisyon kang mag maganda ganun? Eh kung konyatan kaya kita diyan"

Naiimbyernang sabi ni Joms, dumiretso lang ako sa pag la-lakad

"Abaaa"

Saglit sya na napa tigil sa pag sunod sakin, tila mangha sa inaarte ko

"Ano kaba Joms halika na, bilisan mo"

Pababa na ako sa gutter ng kalsada para tumawid nang biglang may humarang, muntikan nang bumangga ang mukha ko sa dibdib ng lalaki, pag tingala ko ay sinalubong ako ng pumpon ng bulaklak na tangan nya. Dinig ko ang pag singhap ni Joms mula sa likuran ko saka ako pinag tutulak patungo kay JP kanda subsob naman ako sa lalaki buti na lang at maagap si JP. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko lalo pa at marami kaming kasabay na nag la-lakad sa paligid na pawang mga empleyado din

"Peace offering"

Napa taas ang kilay ko

"Tingin mo madadaan mo ako sa ganyang paandar?"

"Tigilan na ang pag iinarte meme, sinusuyo kana, yan lang naman ang hinihintay mo diba ayan na oh"

Sabat ni Joms

"Atrebida ka talaga kahit kelan"

Pabulong kong saway sakanya

"Tara na"

"At sinong may sabing sasama ako sayo?"

"Ako, don't waste too much energy iisa lang naman ang inuuwian natin, 'san kaba Joms? I can drop you by"

"Ku, huwag na makaka istorbo pa ako sainyong dalawang love birds. O siya akoy mauuna ng umalis sainyong dalawa. Ciao!"









HANGGANG sa maka uwi ay hindi pa rin kami masyadong nag iimikan nag early dinner muna kami bago tuluyang umuwi, dumiretso kami sa bahay nya kahit hindi pa ako nakakapag bihis ng pambahay.

"So how long are you planning on acting like that?"

Tinitigan ko lang sya saka pinako ulit ang atensyon sa cellphone ko

"Guess I'm wrong akala ko ready ka nang makipag usap thought I already given you enough time"

"............."

Napa hiyaw ako at muntikan ko ng malaglag ang cellphone ko nang bigla na lang akong pangkuin ni JP, binitbit nya akong parang sako ng bigas. Naka sampay ang katawan sa balikat nya.

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon