Chapter Nine

5.1K 112 4
                                    

Ilinigid ko ang paningin sa tatlong pares ng mga mata na naka tingin sakin, parang impatient na nag aantay sa kung ano ang sasabihin ko

"So ano na mag hapon ba tayong mag tititigan dito? anong oras na patapos na ang break time"

Nai-imbyernang basag ni Joms sa katahimikan, kasalukuyan kaming kumakain ng lunch sa pantry ng office buti nalang aapat lang kami at walang ibang makaka rinig sa pang i-interrogate sakin ng tatlong baklang 'to

"Ano ba kasi ang gusto niyong marinig? kanina ko pa sinasabi sainyo na wala nga, walang kami okay wala wala wala"

Frustrated naman na napa buntong hininga si Chinky

"O sige naniniwala kaming unofficial pa kayo pero imposible kasi na wala kayo kahit mutual understanding man lang like hello ang tatanda niyo na huwag mo ngang masabi-sabi samin na you're just friends lokohin mo ang lelang mo naku Tinay wag kami!"

"Oo nga huwag kami!"

Sabat ni Jomari

"Dahil yang pagmumukhang yan, yan ang mukha ng babaeng in love"

Dagdag pa niya

"Atyaka this is the 21st century sinong maniniwala na may pasundo't hatid, lumalabas ng kayong dalawa lang nakiki tambay sa bahay ng isat-isa tapos wala lang? ay naku hindi ako naniniwala diyan sa mga platonic chuchu eklavu na yang pinag sasabi mo and besides hindi na platonic yun kasi sayo palang inday may malisya na"

"Crush ko nga diba? Sino ba ang aayaw dun sa tao tyaka sino ba ang ayaw na jowain yun kahit nga hindi na ako magpa ligaw sasagutin ko na agad-agad baka ako pa nga ang mag propose ng kasal"

"Alam mo hindi ko talaga ma gets eh siguro kung mga teenager pa kayo baka maniwala pa ako na friendship lang ang meron kayong dalawa pero my gosh pareho na kayong trenta parang hindi na angkop yang prends prends na yan not unless he sees some potential, yung tipo bang kagaya ni JP mag aaksaya ng panahon na makipag kaibigan na wala lang?"

Sabi naman ni Virgie, napa isip naman ako could it be? hindi kaya isa akong potential candidate na maging ladylove ni JP? is there really a possibility na kahit papano kahit katiting ay may gusto rin siya sakin. All this time ba hindi naman pala ako assuming?

"My my JP is a fine stud, he seems like a very much healthy twatpacker beefcake"

Napa mulagat ako sa malanding pagkaka sabi ni Joms

"Hoy Jomari alam ko na may sexual connotation yang sinabi mo ha bakla ka"

"Oo nga bakla wag mo kaming nginangarag porke't alam mong were not that very good in english ano ba yung meaning ng ano yun twat something?"

Singit ni Chinky

"Twatpacker, a sexually active male"

Sagot ni Joms

"Kung sabi mo nga very much single siya ngayon and he's not dating anyone ni minsan ba did he ever tried something like nag take advantage siya sa beauty mo girl?"

Pang uusisa pa ni Joms

"Hoy grabe kayo ha?!"

"Aluh luh luh luh luh virginal ang peg hindi kana katorse inday para magpabebe"

Hinarap ko nga ang baklang si Jomari

"Bakit totoo namang virgin pa ako ha"

"Osiya virgin kapa nga pero kung ako ang tatanungin hindi ko alam kung magiging proud pa din ba ako kung thirty na ako at virgin pa din"

Napa tigil naman ako sa sinabi nya, bubuka pa sana ang bibig ko pero pinili ko nalang na huwag nalang sumagot

"Ano wala kang maisagot? kaya kung ako sayo hindi na ako magpa patay- patay at may I make a move na para mapasa kamay ko yang si JP nagka roon kana ng chance para mapansin ka nung tao jusmiyo sunggaban mo na!"

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon