Chapter Twenty Three

4.6K 99 1
                                    

"Bye mama"

"Bye ingat sila sayo see you on monday"

Paalam ko kay Joms kumaway pa kami sa isa't-isa bago nag hiwalay, nauna ng naka sakay si Virgie habang si Chinky naman ay may dinaanan pa sa mall. Tinungo ko na ang daan papuntang istasyon ng tren, ang weird hindi ko alam kung paranoid ba ako pero habang nag lalakad ako ay nararamdaman ko na may naka tingin sakin. Wala sa loob na lumigid ang paningin ko na para bang may hinahanap, epekto siguro ito ng mga napapa nood kong karahasan at krimen sa news nitong mga nakaraan.

Binilisan ko na lang ang pag lalakad, nakaka ilang hakbang pa lang ako ng mapansin na may mga yabag akong naririnig mula sa likuran ko hininaan ko ang lakad at nakiramdam, nawala yun. Nag kibit balikat nalang ako marahil praning lang talaga ako.

Maliwanag pa naman tyaka maraming tao sa paligid sa parteng ito pero may magagawa kaya ang mga taong yun kapag may biglang tumigil na puting van sa mismong harapan ko at tangayin nalang ako basta? napaka saklap naman kung mapupunta lamang ako sa kamay ng mga kidnapper hindi ko paman lamang natitikman ang luto ng dyos. Hindi ako mayaman maging ang mga magulang ko wala kaming maipang tutubos ni wala nga kaming ari-arian na magkaka halaga ng malaki pero maganda ang kalusugan ko siguro mapapakinabangan ng malaki ng mga kidnappers ang lamang loob ko, naipilig ko ang ulo. Napaka morbid naman nitong naiisip ko.

Pero tumahip ang dibdib ko nang mapansin ang anino ng lalaki sa pavement sobrang lapit lang sakin, binilisan ko ang lakad at kinapa ang taser sa bulsa ng shoulder bag ko. Ramdam ko na naka sunod at nasa gilid ko lamang ang lalaki hindi ko yun magawang lingunin ayokong isapalaran ang oras na dapat ay gamitin ko patakbo mula rito.

"Sandali san ka pupunta?"

Naramdaman ko ang malakas na mga kamay na pumigil sa braso ko, hindi makawala ang tili sa lalamunan ko sa takot siguro natigilan ako ng marinig ang pag tawa ng lalaki saka nag tatakang napa tingin ako sakanya.

"Kuya Switzer? papatayin mo ako sa nerbiyos alam mo ba yun?!"

Tawa sya ng tawa habang ako ay mabilis parin ang tibok ng puso, hinampas ko nga ng bag ko.

"Mukha nga tingnan mo yang itsura mo para kang naka kita ng multo"

"Tawang-tawa kapa sa kalokohan mo, buti nalang wala akong sakit sa puso kainis ka!"

"Hindi ko naman sinasadya na takutin ka tinatawag kasi kita kanina hindi kaman lang lumilingon sabi ko porket ba nagka jowa lang hindi na namamansin"

"Ay grabe sya hindi ko narinig pasensya na, pano ba naman kasi ang ginawa mong pag tawag?"

"Ang lakas kaya ng boses ko sabi ko Tinay!"

Sumigaw nga ang loko nagsi tinginan tuloy ang mga tao hampasin ko nga sa balikat

"Bingi ka siguro kaya hindi mo narinig"

"Siguro nga inatake ako ng pagka bingi pasensya na talaga teka kanina mo pa ba ako sinudundan?"

"Hindi ah ano ako stalker? hindi kita type ano tyaka hindi ko tatalunin si kumpareng Verz"

"Ewan ko sayo kuya Switzer ano bang kailangan mo ha?"

Kalat na nga sa opisina na may relasyon kami ni Verz sabi ko pa naman ayoko ng office romance kasi awkward kung sabagay ay hindi kami magka sama sa opisina nasa field kasi sya pero same company pa din.

"Ayun kaya kita sinundan kasi naalala ko na may itatanong ako sayo buti nakita kita"

Saglit kaming nag usap may itinanong lang sya patungkol sa trabaho saka nag paalam narin at may dadaanan raw sya ako naman ay nagpa tuloy na ulit sa pag lalakad. Nagulat ako nang may bumusinang sasakyan sa may kanan ko nagusot ang mukha ko at liningon ang kotse ngunit agad din yung nag laho nang makita ang pamilyar na sasakyan. Naka baba ang salamin ng bintana sa may driver seat sumilip ang nag mamaneho at hindi nga ako nag kamali nang mapag sino ang driver.

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon