Chapter Eight

5.3K 117 9
                                    


"I'm sorry"

Sabi ni JP na abala sa pag mamaneho, tutok ang mata sa kalsada at panaka naka ang pag sulyap sakin na naka upo sa passenger seat

Ramdam siguro niya ang pagka badtrip ko kanina pa, pinag tinginan ako ng mga tao kanina sa cafe daig ko pa ang nasampal, after nang nangyari umalis kami agad sa lugar na yun at humanap ng ibang makakainan

"Bakit ka nag so-sorry wala ka namang ginawang mali sakin"

Sabi ko na kinakalamay ang sarili, hindi pa talaga maka recover sa nangyari. Kanina habang kumakain kami halos hindi ko kausapin si JP, isang dahilan dun ay ang pagka pahiya ko sa harapan niya.

"Tinay you know what I mean, I'm sorry for Gwen's attitude towards you awhile ago"

"Panong napunta si Gwen dun kanina?"

Sambakol ang mukha na tanong ko na nasa unahan ang tingin

"I have to correct what she said, I didn't envite her namalayan ko nalang na nasa harapan ko na siya I even thought she was you"

"Ganon?"

Sabi ko na napataas ang kilay

"Ganon nga, bakit ganyan ang mukha mo?"

Tanong niya, tumigil sa pag takbo ang sasakyan dahil sa stop light na nasa unahan namin

"Bakit anong problema sa mukha ko? "

At dun na ako napa tingin sakanya, sinalubong ako ng malawak na ngiti na naka paskil sa guwapong mukha niya

"Yan"

Sabi niya na dinutdot pa ang ilong ko at para palisin ang kilig sa ginawa niya ay lalo akong napasimangot

"Inaano kaba ng ilong ko ha? porke't matangos ang sayo tiyaka huwag mo ngang dinudutdot 'to it's fragile"

Inis na sabi ko, tumakbo na ulit ang sasakyan kasabay ng pagtawa ni JP

"But seriously huwag kang magpapa apekto sa sinabi niya sayo gusto kalang asarin nun, that's what other people do when they sense defeat they'll make you feel bad about yourself"

"So asar talo pala ako"

"I didn't say that"

"Tinawag niya akong manang! noong naka raan tinawag niya rin akong katulong"

Mataginting na tumawa ulit si JP, imbes na ma-offened ay napatda lang ako habang naka titig sa features ng mukha niya na naka side view. His upturned nose is very prominent, sharp and chiseled jaw line na puwede sigurong maka sugat kapag hinawakan, mahihiya si Sean O'Pry. Kung iisipin nga kung hindi ko lamang alam na doktor siya mapag ka-kamalan ko si JP na model, hindi ako nag e-exage pero ang looks niya ay nababagay sa isang billboard sa Edsa o kaya sa isang glossy spread ng isang fashion magazine. May mga pagkakataon talaga na pag mag kasama kami ay para akong nae-engkanto katulad nalang ngayon dahil madalas ko siyang nakawan ng tingin kapag alam kong wala siyang kamalay malay

"Don't you understand what I just said?"

"A-ang alin dun?"

Nauutal kong tanong na pinako ulit ang mga mata sa daan

"Gusto mo talagang inuulit-ulit pa sige para sa ikaka panatag ng loob mo hindi ka manang okay? you look perfectly fine Tins she just said that to get into your nerves"

He just said it bluntly, pero iba ang naging epekto ng mga salitang yun sakin. Inaamin ko kasi na insecure ako pero ang sarap pala sa pakiramdam kapag may nag li-lift ng mood mo as if giving you an assurance that nothing's wrong with you, hindi man niya sinabi na maganda ako pero feeling ko parang ganon na rin yun. Nasabihan na rin ako ng maganda dati ng lalaki diba nga nagka boyfriend na din naman ako pero iba si JP, iba kapag galing sakanya ang compliment.

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon