Chapter Two

9.7K 151 4
                                    

"Hoy ano yan ha? "

Natatarantang mabilis na minimize ko ang tinitingnan ko sa desk top

"Stalker"

Sabi ni Chinky na naka tayo sa likod ng swivel chair ko

"Alam mo bintangera ka, anong stalker ang pinag sasabi mo? "

"Ng aano kapa eh noh, sige i-deny mo pa na kanina mo pa inii-stalk yung fb ng kapit bahay mo"

"Oo na, anong masama dun? picture na nga lang pinag ka-kait mo pa sakin"

"Patingin nga"

"Ayoko nga noh"

Pinigilan ko siya nang inagaw sakin ang mouse sa harapan ko pero wala naman akong nagawa

"Ang gwapo nga"

Nasabi lang ni Chinky sa nakangiting mukha ni JP sa screen ng computer ko, nag scroll pa sya pababa.

"Ayyy!"

"Hoy ano ka ba ang ingay mo, bakla ka"

Naka topless kasi ang lalaki sa sumunod na picture at expose ang abs at ma- muscle na biceps at triceps nya, Kuha yun noong nag bakasyon si JP sa Maldives

"Alam mo tigilan mo yan, hindi sa sinasabi kong pangit ka pero yung itsurang ganyan yan yung tipong hindi man lang tayo tatapunan ng tingin day"

"Alam ko naman noh, crush ko lang naman yung tao, hindi naman ako umaasa"

Nagkandahaba pa ang nguso na sagot ko

"Crush? juskolord Kristina bente nuwebe kana crush crush pa diyan ang inaatupag mo ano 'to high school? "

"Alam mo ang harsh mo"

"Hindi ako harsh sinasabi ko lang ang totoo, sa panahon ngayun dapat ka ng kumilos imbes na ubusin mo ang energy mo sa pag stalk dyan sa mestisong hilaw na yan aba mag hanap kana ng totoong boyfriend, doktor kamo? "

Tinuro pa ni Chinky yung picture

"Wis na yan, dun na tayo sa totoo let's be more realistic dahil yang ganyang lalaki malamang nag hahanap din yan ng kauri nila"

Masama ang loob ko sa sinabi ni Chinky alam ko kasi na totoo ang mga pinag sasabi niya tyaka nasanay na rin ako sa ugali nyang prangka walang paligoy-ligoy. To be honest hindi naman talaga ako umaasa, ginagawa ko lang ito marahil ay para aliwin na rin ang sarili

"Naalala ko lang diba one year bago in- accept niyan yung friend request mo, inamag muna bago kinonfirm"

"Atleast hindi na cancel"

Pag ma-malaki ko pa

"So happy ka pa dun?"

"Lubayan mo nga ako, patapos na yung break time kaya bumalik ka na po sa table mo"

"Bakit hindi mo nalang kaya i-try mag tinder?"

"Hay naku ayoko nga saka dun kana nga kasi, tingnan mo yung oras o ala una na"

Pag tataboy ko

"Osiya sige mamaya nalang, husayan mo ang pag stalk dyan"

at tumawa pa siya na parang bruha

"Tse! "

Hindi ko alam kung pano nakapag asawa yun

Tinignan ko ang computer at malamang nandoon pa din ang picture ni JP sinimangutan ko nga, parang nakakain ng ampalaya na nag log out ako sa account ko at pinag patuloy ang trabaho ko.








My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon