Chapter Thirty Two

4.1K 78 5
                                    


"tingin mo mahal magugustuhan kaya 'to ng inaanak ko?"

Baling ko kay JP habang kinikilatis ko ang toy car sa may rack, mag a-apat na taon na ang inaanak ko na anak ni Virginia. Usually ay hindi ako nag re-regalo ng laruan madalas ay damit o kaya ay sapatos ang inere-regalo ko kaya lang ay gusto kong maiba naman ngayun.

"yeah, bayaran mo na sa counter"

Tugon lang ni JP matapos saglit na tapunan yun ng tingin

"here use my card"

"Hindi huwag na"

"no buts, let me pay for it. Hintayin nalang kita diyan sa labas"

Wala na nga akong nagawa nang igiit parin ni JP ang master card nya.

Kahit kelan talaga ay hindi ko gusto na si JP ang nagbabayad ng mga pinamimili ko, kaya lang nag pahinuhod narin ako nang sabihin nito na regalo naman daw yun para sa bata.

Saglit na pinag masdan ko si JP pagka labas ko ng toy store, hindi ko masisi ang ilan sa mga napapadaan na napapa second look kay JP. Napapa ngiti nalang ako.

Samantalang hindi naman aware ang lalaki sa atensyong nakukuha nito sa paligid, busy sya sa pagtipa sa cellphone.

Sino kaya ang ka-text nito?

"tara na mahal, may dadaanan paba tayo?"

Umabrisyete ako sakanya na maluwag ang ngiti sa labi

"bakit may gusto kapa ba'ng puntahan?"

"mmhh let me think...oo nga pala! may gusto akong panooring movie alam ko showing na yun ngayun, nuod tayo"

Excited kong sabi

"ayaw mo?"

Nawala bigla ang energy ko nang makita ang ekspresyon ng mukha ni JP

"Hindi naman sa ayaw I'm just tired, all I want is to go home and rest"

Pinaka titigan ko sya saglit saka nagpa tiuna nang maglakad.










*****

Pagkabukas ko nang pinto ng bahay ay walang lingon likod na pumasok ako, isasara ko na sana yun ngunit hinarang ni JP ang katawan nya.

Nag dadabog na sumalampak ako ng upo sa sofa

"stop acting immature, nagagalit ka sakin dahil hindi kita pinag bigyan na manuod ng sine, senseless!"

"ano?!"

Nang gagalaiti na napalingon ako sa pagkaka tayo ni JP

"senseless mo mukha mo, naiintindihan ko na pagod ka na ayaw mo'ng manuod ng sine. Pero buti sana kung minsan lang eh, napapansin ko na halos wala ka sa mood na gawin ang mga bagay-bagay kasama ako. Pero kapag ang mga kaibigan mo ang nag aaya walang dalawang salita susugod ka kaagad, ano ba ang problema JP? sabihin mo sakin"

"there is no problem okay, ikaw lang ang nag iisip ng ganyan and don't I have the right to hang out with my friends?"

"wala akong sinasabing ganun, ni minsan ba binawalan kitang makipag kita sa mga kaibigan mo? pinapayagan naman kita ha, ang pinupunto ko lang napapansin ko lately na para bang nawawalan kana ng gana sakin--"

Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil, tila nabasag ang boses ko sa pag sasalita.

Nakita ko naman ang pag hinga ni JP ng malalim. May bahid ng inis sa mukha na lalong nagpa sikip ng dibdib ko

"really you're doing this to me? I told you I'm tired what do you want from me?"

Tila nahahapo ngang sabi ni JP, pero imbes na maawa sa itsura nito ay lalo pang naka dagdag sa sama ng loob ko ang sinabi nya

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon