Chapter Fifteen

4.5K 98 4
                                    

Hinihingal na tagaktak ang pawis at halos lawit ang dila na humabol ako sa matangkad na pigura sa harapan ko mga ilang dipa na ang distansya niya mula sakin, maiiksi kasi ang mga biyas ko kumpara sakanya at mukhang sanay na sanay din siya sa mga physical activities na kagaya nito, lumalaban yata siya sa triathlon

"Sandali! puwede awat na muna!"

Sigaw ko, I leaned forward ang dalawang kamay ay naka suporta sa bewang ko, pinangangapusan ako ng hininga, nararamdaman ko rin ang panginginig at pananakit ng mga kalamnan at kasu-kasuan ko hindi man lang kasi ako nag stretching kanina bago sumabak sa jogging.

"Suko kana agad warm up palang 'to"

Napa nganga naman ako sa sinabi niya, he jogged briskly towards me. Maganda pa rin ang posture at parang hindi man lang gaanong pinag pawisan

"Puwede bang pahinga muna tayo? natunaw yata lahat ng inalmusal ko kanina"

Sabi ko na habol parin ang hininga

"Yeah sure ano kaya mo paba? alalayan na kita"

"Hindi kaya ko naman"

Sagot ko saka kami nag simulang mag lakad, kung saan ay wala akong ideya sinusundan ko lang siya

"Hungry? I know a good place just around here"

"Nababasa mo ba ang iniisip ko? tamang-tama gutom na nga talaga ako saan ba yang sinasabi mo?"









EXCITED ako sa naka haing pares sa harapan ko, kumalam ang tiyan ko at biglang natakam

"Does it taste palatable or what?"

"Masarap siya ha?"

Sagot ko

"Matagal mo na bang alam 'to?"

Tanong ko sabay ligid ng tingin, simple lamang ang kainan na yun. Thatch roof made of cogon grass gawa sa pawid ang mga dingding ang inuupuan namin maging ang lamesa ay gawa sa hardwood

"Oo if I'm not too occupied or tied up because of work nandito ako tuwing weekend"

Sagot ni Pocholo na nag simula na sa maganang pagkain, hindi ko inasahan nang tawagan niya ako noong nakaraan at imbitahan ako na samahan siya sa pag ja-jogging nag alangan man ako nung una ngunit pinaunlakan ko parin mukhang mabait naman kasi si Pocholo at nagkaka sundo naman kami kahit na papano. Hindi ko lang malaman kung bakit siya nakikipag lapit sakin hindi ko naman siya magawang tanungin

"So kamusta ka? kuwentuhan mo naman ako how was your week?"

Mula sa pagkain ay napunta ang mga mata ko sa mukha niya

"Maayos naman katulad parin ng dati just the usual drill ikaw nalang mag kuwento mukhang mas may excitement ang buhay mo kaysa sakin"

Iniiwas ko talaga na mapunta sakin ang usapan, hindi kasi maganda ang mga pangyayari noong mga nakaraan at wala ako sa mood para mag kuwento

"If attending meetings, calling the suppliers, scrutinizing and auditing some document is exciting well that'll be a jest"

"Business man ka nga pala pero alam mo nung una kitang makita hindi ikaw yung tipo na mai-imagine ko na seryosong naka subsob sa mga paper works parang wala sa karakter mo"

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon