Chapter Eleven

4.8K 101 4
                                    

"Good morning"

Sabi ni JP, using his hoarse and raspy voice. His gaze is intense

Kung ganito siguro ang mukhang mabubungaran ko sa araw-araw na ginawa ng diyos ay araw-araw din siguro akong mag pa-pamisa. Pero may bigla akong naalala hindi kasi ganon ka nice ang amoy ng hininga ko kapag umaga baka ma-turn off sakin si JP.

bigla akong napa balikwas ng bangon at kung mina-malas ka nga naman nauntog pa ako sa headboard ng kama napa hiyaw ako, malakas ang pagkakauntog ko kaya't kinapa ko ang ulo kong tumama may pakiramdam akong mag bubukol yun maya-maya.
Napa ngiwi ako sa sakit, nakita kong bumangon na din si JP at inabot ako gamit ang isang kamay nya

"Bakit naman kasi hindi ka nag dadahan-dahan, nasaktan ka tuloy"

May pag aalala sa mukhang sabi niya

Umisod siya palapit sakin at hinaplos ang ulo ko at dahil sa gesture niyang yun ay naging hypersensitive yata ang pang dama ko

"Does it hurt that bad?"

Naka hawak pa rin ako sa ulo ko habang naka yuko, hindi ko kasi keri  na salubungin ang tingin ni JP. Pero kahit naka yuko ay nagawa ko pa ring masulyapan ng hindi sinasadya ang hubad baro niyang katawan.Bigla tuloy nag init ang pisngi ko.

Sheett

"Hey c'mon speak up do you need to get checked? sabihin mo sakin"

Napa pitlag ako ng hawakan niya ako sa mag kabilang pisngi at pilit na sinisilip ang mukha ko

"O-okay ako, masakit lang siya ng konti saka medyo naalog lang ang utak ko pero nasi-siguro kong ayos lang ako"

Pilit ang ngiting sagot ko sakanya

"Kailangan lagyan ng cold pack yan sigurado magkaka bukol yang ulo mo"

Pilitin ko mang mag focus sa mukha niya pero parang may sariling isip ang mata ko at bumaba yun sa magandang katawan nya

Ako, si JP na naka topless exposing his well toned and lean physique ang malambot at malaking kama. Biglang nagwarla ang sistema ko lalo pa nang maalala ang eksena namin kanina

"Ah eh, a-alis na ako kailangan ko pang pumasok sa opisina"

Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko

"Naku late na ako! sige JP ha, teka san ko na nga ba nalagay ang bag ko?"

Natatarantang sabi ko saka iginala ang tingin sa paligid tumayo ako at dali-daling hinanap ang shoulder bag ko. Natagpuan ko yun sa sahig sa tabi lang ng higaan, pagka dampot ay tinungo ko na ang pintuan natapilok pa ako sa pagmamadali, liningon ko si JP na naka upo pa rin sa kama naka tingin din siya sakin at nangingiti

"B-bye, see you!"

Hindi ko na inantay na sumagot siya at halos patakbo na lumabas ng bahay





HININAAN ko ang volume ng TV parang may narinig kasi akong sunod-sunod at marahang katok sa pintuan, saglit akong nakinig, tinatamad kasi akong tumayo habang abala sa panunood ng news.

Mmhh imagination ko lang siguro o baka sa kapit bahay

Ibinalik ko ulit ang atensyon sa screen ng telebisyon kaya lang naagaw ulit ang concentration ko ng may marinig ulit na katok, this time mukhang agitated na yun. Hindi na ako nag bother na isuot ang pares ng tsinelas ko baka kasi naiinip na ang tao sa labas.

Parang may gulat factor pa na rumehistro sa mukha ko ng mapag buksan ko si JP kahit na ine-expect ko ng siya yun. Ang lecheng puso ko naman sige sa pagrigodon, it was oddly beating so fast.

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon