Chapter Twenty One

4.5K 98 11
                                    

Naka tulala ako sa puting kisame sa harapan ko, nag bibilang ng tupa sa isipan baka sakaling sa wakas ay dalawin na ako ng antok.

Balisa ako at hindi mapa tulog, ano ba ang nasinghot ko at high yata ako ngayon, ang totoo ay alam ko naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagkaka ganto.

Hulaan nyo...

Kung hindi ba naman ako shunga alam kong gabi na ay napa inom pa ako kanina ng espresso, libre kasi kaya hindi na ako naka tanggi minsan lang maka isip si Jomari na librehin kaming mga friendship nya hindi ko na pina lagpas.

Susmaryosep mag aala una na dilat na dilat pa rin ang mga mata ko.

Inis na tinakip ko ang isang unan sa mukha, pinikit ko ang mga mata at nag concentrate para maka tulog na. Ilang minuto na nasa ganon lamang ako na posisyon ngunit nang ma-realized na walang epek yun ay itinapon ko sa kabilang side ng kama ang unan.

Sakto ang pag tingin ko sa parteng bintana, nakita ko ang bahagyang pag tama ng liwanag doon na nasisiguro ko ay headlights gawa ng tunog ng makina ng sasakyan na nag mumula sa labas. Saglit kong pinakinggan ang munting ingay base sa pagkaka dinig ko ay tumila ang ugong ng sasakyan sa kabilang unit na katabi ko. Malamang ay si JP ang yaong bagong dating. Inumaga na sya ah.

Napabalikwas ako ng bangon ng may marinig na kalabog.

Ano kaya yun?

Out of curiosity at oo na sige na dahil na din sa pag aalala ay napa tayo ako sa pagkaka higa, inabot ang roba na naka sabit sa may pintuan ng kuwarto at nag mamadaling isinuot yun. Obviously ay wala akong bra, manipis na kamison at may kanipisan ding boyleg ang suot ko.

Nang maka labas ay tinungo ko ang tapat ng bahay ni JP at doon nga ay nakita ko ang malaking mama na dahan-dahan at nag susumikap na maka tayo mula siguro sa pagkaka handusay, nakita ko na napa kapit sya sa naka bukas na pintuan ng kotse nya. Walang pag aatubili na dinaluhan ko sya at umalalay sa pag tayo halos wala din siguro akong naitulong dahil may kabigatan ang lalaki at na-manage din naman nyang itayo ang sarili.

"Pasaway ka talaga, nag maneho ka nanaman ng lasing that's an offense against the law dok. Kailan ka ba matututo?"

Pag papagalit ko sakanya, linukob kasi ng amoy ng alak ang ilong ko.

"Buti nalang talaga at mataimtim ka pang naka uwi kung hindi naku sayang ng lahi mo hindi pa man din napapa kinabangan"

Halos pabulong kong sabi

"Oh here's my girl"

Mamumungay ang mga mata ni JP, napa pitlag ako nang bigla nyang isampay ang isang braso nya sa balikat ko.

"Hey girlfriend how are you doing?"

"ano? anong girlfriend ang pinag sasabi mo?"

Nakakunot ang noong sabi ko na pilit na huwag magpa apekto sa pagkaka dantay ng katawan nya sakin

"Obviously you're a girl and you're a confidant that's why you're my girlfriend"

'Nak ng, kesyo lasing o kaya ay nasa tamang huwisyo friend parin talaga ang tingin nya sakin.

"San na ang susi mo sa bahay at ako na ang mag bubukas ng pinto para sayo"

"Susi?"

Kunot ang noong tanong nya sabay kapkap sa maong na pantalon nya,  may pag tataka namang tinignan ko lang sya habang ginagawa yun.

"amin na para maka pasok kana at makatulog na, buti nalang at linggo bukas at puwedeng-puwede kang tanghaliin ng gising"

Buti nalang talaga at least puyat man ako ngayon ay puwede din akong matulog mag hapon bukas kung gugustuhin ko

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon