Chapter Twenty Four

4.7K 98 9
                                    

"So this is like my lair, a refuge"

"Bakit mo ako dinala dito?"

Base sa paraan ng pagkaka sabi nya ay nahihimigan ko na espesyal sakanya ang lugar na 'to, dapat ba akong matuwa na dinala nya ako dito?

"Kasi gusto ko?"

Napa tanga lang ako sa sinabi nya, ibinaba ko ang kutsara at tinidor sa pinggan saka pinag salikop ang mga daliri at ibinigay ang buong atensyon sa kaharap.

"Gusto mo lang? so kapag ginusto mo basta-basta mo nalang tatangayin sa kung saan ang kung sino mang mapag trip-an mo ganon?"

Kagaleng, to think na isa sya sa mga taong kilala ko na sensible tapos sasagutin nya ako ng dahil gusto lang nya?

"Hindi naman, it's a bizzare scenario for me to abduct someone but I guess there's always a first time in everything kapag hinihingi ng pagkakataon"

May amusement sa mga mata na sabi nya, yung ngisi nya yung tipo na nakakapag pangatog ng tuhod

"At bakit mo naman ako naisipang i-abduct? Walang pang tubos ang pamilya ko sakin nag aksaya kalang ng oras at effort"

Sagot ko na iniiwas ang tingin sa mukha nya, hindi kasi mawala-wala ang pagkaka ngisi ni JP parang nananadya pa na pinaka titigan pa nya ako ng direkta sa mata. Pinanuyuan tuloy ako ng lalamunan.

"Really? then I have to think of something else that I can aquire to my advantage from all this hassle"

Saglit nga syang tila nag isip, pigil ko ang hininga habang pinupukol nya ako ng tingin. Gusto kong burahin ang pilyong ngiti sa labi nya napa humindig pa ako ng makita ang tila may malisyang sulyap sakin ni JP.

"Bastos!"

Iniyakap ko ang mga braso sa harapan ko, doon kasi naka tutok ang mga mata nya

"Anong ginawa ko?"

Naka kunot noo sya ngunit ngising aso pa rin

"Nag mamaang-maangan kapa, bakit ka naka tingin sakin ng ganyan?"

Nayayamot na sabi ko, ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi

"Bakit paano ba ako tumingin?"

He said playfully na lalong kinainis ko

"Yan! Yang tingin mong ganyan na para bang-"

Naka duro pa ako sa mukha nya

"Parang ano?"

Tila nang hahamon pa na sabi nya na tingin ko ay any moment ay bubunghalit ng tawa

Ping lalaruan ba talaga ako ng lalaking 'to?

"Ah basta! maka layas na nga pinag lalaruan mo lang naman ako eh bahala ka diyan sa buhay mo mag hanap ka ng ibang kausap naiinis ako sayo!"

Tungayaw ko saka tumayo at binirahan sya ng layas nag martsa ako palabas ng kusina.

"Sandali Tinay"

Parang naninikip ang dibdib ko sa inis, sa halo-halong emosyon actually. Paano ba naman ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makaiwas sa lalaking yun tapos heto at natagpuan ko na lang ang sarili ko sa isang lugar na hindi ko nga malaman ang eksaktong kinaroroonan na tila isolated pa yata sa ibang mga naninirahan dito, I am trying my best na maka limot tapos su-sorpresahin na lang nya ako at tatangayin ng ganon-ganon na lang tapos ang guwapo-guwapo pa nya, 'nak ng tokwa!

Oo na guwapo na sya at sobrang given na nun, mas hot pa sya sa sikat ng araw na tumatama sa balat ko, naka labas na ako ng kubo ni JP. Malaki ang lupain na kinatitirikan ng kubo batid ko ay isa yung farm na pinag tatamnan ng samut saring namumungang pananim, pero hindi ang mga nakikita ko sa paligid ang importante sa ngayon dahil inis na inis ako sa lalaki. Ginugulo nya ang sistema ko pinaparamdam nya sakin ang mga iba't-ibang klase ng emosyon na nakaka overwhelmed na hindi ko alam kung paano iha-handle. Pagkatapos da-dale pa sya ng mga ganong pag titig na may pag lalandi hindi pa natapos dun lilinyahan pa nya ako ng mga vague nyang sagot na mas lalong nagpapa kurta sa utak ko.

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon