Chapter Three

7.2K 133 4
                                    

Naka tingin lang sakin si Vers, he knows that he pushed a button when he said those words

"I'm sorry Tinay"

"Hindi okay lang"

Sabi ko na matapang na sinalubong ang tingin nya

"Kung mangyari man yun, choice ko na yun wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko hindi lang naman nakukuha ang kaligayahan sa pakikipag relasyon diba"

"Alam ko at hindi ako ko-kontra diyan sa sinabi mo pero ang pag ka-karoon ng pamilya yan ang ku-kumpleto sa buhay ng isang tao"

"That might work to some pero sa iba hindi"

ayoko rin mag mukhang bitter pero talagang nag sa-sawa na rin ako sa ganitong usapan lalo pa at pati magulang ko ay pine-pressure na rin ako sa pag aasawa. Namayani ang sandaling katahimikan

"Kailangan ko na sigurong umalis, nakaka istorbo na rin ako sayo"

Sabi niya sabay tayo

"Ihahatid na kita sa labas"

"hindi na Tinay dito kana lang mag pahinga kana at medyo late na rin"

"Sigurado ka? "

Tanong ko naka tayo na kami sa pinto

"Salamat nga pala sa pag tanggap sakin"

Nakangiti si Vers na parang walang nangyari, hindi rin sya mukhang bitter sa pang re-reject ko sakanya

"Mag iingat ka"

Sinuklian ko din sya ng ngiti

"Mag kaibigan pa rin tayo diba?"

Tanong nya

"Oo naman, walang problema"

"Thank you and goodnight"

Hinintay ko lang sya na maka alis at mawala sa paningin ko bago isinara ang pinto

Siguro kung ang iba ang nasa posisyon ko ay hindi na pina lagpas ang panliligaw ni Vers may mga qualities din naman siya na magugustuhan ng mga babae oo may pagka mayabang at mahangin nga sya minsan pero wala namang perpektong tao

Ang kaso ay wala lang talaga akong makapa na koneksyon saaming dalawa ayoko naman mag jowa dahil lang sa na pe-pressure ako sa mga tao sa paligid ko. Kung may makakasama man akong lalaki sa buhay ay yung gusto ko talaga at hindi yung napipilitan lang ako kasi unfair din naman sa parte ng lalaki yun.










MAUUBOS ko na yata ang isang box ng tissue dahil kanina pa tumutulo ang sipon ko, pinunasan ko din ang mata ko dahil kahit wala naman akong pinanood na nakakaiyak ay tumutulo ang luha ko

Ano ba ang nangyayari saken?

Halos hindi na din ako makahinga sa kaka ubo

Tumunog ang cellphone ko at nakita na mama ko pala ang tumatawag

"Hello Ma"

"O kumusta kana? sabi ng kapatid mo masama daw pakiramdam mo, pumasok ka pa ba sa trabaho? "

Nag aalala ang boses niya sa kabilang lingya

"Nag half day ho ako para kasi akong ini LBM"

Sagot ko sabay ubo, kanina pa talagang umaga sumasakit ang tiyan ko habang nasa trabaho, humingi ako ng gamot para sa LBM sa clinic kaso masama talaga ang pakiramdam ko kaya nag paalam nalang ako na uuwi

"Ano ba ang nakain mo? "

"Hindi ko alam Ma"

Medyo inilayo ko ang cellphone para umubo

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon