Chapter Fourteen

4.3K 96 2
                                    

"Janjalani ka talaga bakla ka kanina ka pa namin inaantay, naagnas na ang beauty namin ditong tatlo"

Salubong ni Chinky kay Joms na may pakana ng mga kaganapan ng gabing ito, thirty minutes kaming nag antay very usual talaga sakanya ang pagiging late sa usapan pero mas mabuti na siguro yun kesa naman hindi sumipot at all, speaking of which naalala ko tuloy ang pang i-indian sakin ni JP

"Sorry naman mga mama alam niyo naman samin mahirap sumakay ng jipamy kapag jumu-julanis morissete sobrang traffic nakaka urky"

"Baklang 'to alam mo naman na traffic hindi mo inagahan"

Sabi ni Virgie

"At ang nakaka loka mag ka-clubbing nag jeep hindi kaman lang nag grab"

Sabi ni Chinky na sinundan ng malutong na tawa

"Ganyan talaga kapag walang pang internet Zsa Zsa Padilla 'lina kayo and let's party!"

"May pang club pero walang pang internet?"

Napapa latak kong sabi habang hinahatak ng mga kasama

Nandito kami ngayon sa isang may kasikatang bar pero hindi ko alam ang lugar na ito not until today na sikat daw sa mga party goers along the metro kung sabagay ay hindi naman ako party goer kaya malamang hindi ko talaga kilala. Kems ko naman basta ang mahalaga ay nandito kami para saaming misyon  ang mag enjoy. Pakana ito ni Jomari ito daw ang magandang reseta sa mga babaeng sawi sa pag ibig ang mag wala at mag walwal, newbie ako sa mga ganitong eksena sa buhay. Kung kelan naging wrangler ika nga ni Joms saka ko palang mae-experience ang mag clubbing. Hindi na ako nagpa tumpik-tumpik kailangan ko talaga ng distraction para naman kahit pansamantala ay mawala sa isipan ko si JP

After days of enduring a heart ache ay napag isip-isip kong kailangan kong bumangon mula saaking pagkaka lugmok, malaki ang epekto sakin ng pangyayari dahil halos wala akong gana sa mga ganap ko sa buhay, kung hindi ko lang iniisip ang mga bayarin at pag papadala sa probinsya ay mas gusto ko nalang na mag stay sa bahay at huwag munang pumasok sa opisina naisip ko rin bandang huli na wala akong mapapala kung mag mumukmok ako mas lalo ko lang siyang maiisip buti pa sa trabaho at least mababaling sa ibang bagay ang isip ko. Kaya ang ginawa ko ay sinipagan ko nalang sa trabaho pati hindi ko gawain ay nagvo-volunteer na akong gawin inaasar na tuloy ako sa opisina na may balak maging employee of the month, pag dating sa bahay ay balik nanaman ako sa pagiging melancholic. Maiiyak na lang at kinaumagahan ay mangangalumata, tinatago ko nalang yun gamit ang concealer at tulad nga ng inaasahan ay hindi na nga halos umuuwi si JP, manghuhula ako malakas ang intuition ko na may ibang bahay ng tinutulugan, hindi ko alam kung pabor ba sakin yun o hindi. Kahit ano pang sabi ko na ayaw ko siyang makita dahil hindi ko na alam kung paano sya pakiki-harapan ay hindi ko din mai de-deny na miss na miss ko na siya ang dating kami at isipin palang na nasa kandungan siya ng ibang babae at nagpapaka saya ay hindi ko na maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko, pinipiga ang dibdib ko na hindi ko mawari.

Nang maka pasok kami ay gaya ng aking expectation ay sinalubong kami ng malaking crowd na nag sasayawan, energetic ang mga tao sa dance floor. Gurang na nga talaga ako para sa mga gan'tong thrill sa buhay kasi pagka kita sa lugar ay parang gusto ko ng mag paalam na uuwi na sa mga kasama kung hindi lang ako nahihiya lalo pa't alam kong pinag handaan din nila ang gabing ito, mukha ding excited ang tatlo.

"Hanap na tayo ng table"

Yaya ni Virgie

"Mama hindi tayo nandito para umupo where here to dance hindi praktikal na kumuha ng table tyaka hindi tayelz makaka hanap ng chupapi niyan, let's roam around later and socialize baka mamaya may ma meet tayong may table edi naka statue of liberty tayo"

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon