Chapter Twenty Nine

4.1K 66 15
                                    

"Anyways are we going to hear wedding bells soon? You guys look like a very happy couple"

Gusto kong masamid sa sariling laway sa tinuran ni JP, napa lingon naman sakin si Vers at malagkit ang tinging ibinigay saakin, Maya't maya ang pag hawak ni Vers sa kamay ko sa ibabaw ng mesa at hindi naka ligtas sa pansin ko ang matalim na pag sulyap dun ni JP napapa tiim bagang pa

"Napapag usapan na rin naman namin ang tungkol sa bagay na yan, we're not getting any younger, malay natin it'll be sooner than we all think? ano sa palagay mo baby?"

Napa tikhim si JP na tila pinutol ang moment namin ni Vers

"Umuungot na nga sina mama ng apo ang sabi ko not until we get hitch"

Napa baling ulit sakin ang katabi, napa ubo naman si JP sa narinig

"Ayos ka lang ba?"

Tanong ko

"Yeah"

Inabot nya ang baso saka uminom at halos inisang lagok ang laman nun

"Come to think of it I'm not fond of kids pero lately I feel like I might wanted to have one"

Tinatambol na ang dibdib ko sa mabilis na tibok ng puso, hindi na maganda ang inaadya ng bakas ng mukha ni JP

"Pero syempre yun ay kung handa na rin si Tinay sa ganoong bagay after all she's the one whose going to make a great adjustment"

"K-kagaya nga ng nasabi ko kailangan muna natin ng ibayong pag hahanda para dyan"

Gusto kong lamunin na lamang ng sahig hindi ko kinakaya ang awkwardness sa kinasasadlakan kong sitwasyon ngayun

"Well I learned how to love kids since I interact with them almost everyday of the week, and I think I met the woman whose perfect to play the role as the mother of my children"

Nag tama nanaman ang mga mata namin ni JP, umiwas ako ng tingin at napayuko

Sheeettt bakit ba yun ang pinag uusapan namin

Hindi talaga ito kinakaya ng powers ko pramis!

"Tinay ayos ka lang ba?"

Dinig kong tanong ni Vers

"Hindi"

Sagot ko

"Masakit ang ulo ko"

Naka ngiwi ko pang dagdag

"Ganun ba gusto mo na bang umuwi?"

"Sumabay na kayo sakin"

Tatanggi pa sana si Vers ngunit hindi nagpa hinuhod si JP ngunit piniling hindi na sumabay samin dahil out of way ang uuwian nya. Bago pa humiwalay si ay Vers binigyan pa nya ako ng halik paki hulaan kung saan, hindi na ako naka huma kanina at namalayan ko na lamang na lumanding ang labi nya sa labi ko. Kaya tuloy heto
at cold treatment naman ang pinag kaka loob sakin ni JP, mahigpit ang pagkaka hawak sa manibela at tila nandoon ang kaaway nya sa may windshield at masama ang tingin nya dun. Hanggang sa pag dating sa bahay ay hindi nya ako pinapansin pasalamat na lang siguro ako at hindi nya ako naiisipang itapon, sinundan ko lang sya hanggang sa pag akyat nya sa hagdanan para akong tanga na tila kinakausap ang hangin

"Sorry na, may balak naman talaga akong sabihin sayo, hindi lang talaga kita makontak. Kausapin mo naman ako JP diba ikaw na nga ang nag sabi na dapat kung ano mang hindi natin pinag kakaunawaan dapat pag usapan natin ng masinsinan"

"JP, ano bang gusto mong gawin ko ha?"

Napu-frustrate na sabi ko, hanggang sa sinapit na namin ang kuwarto nya sa may second floor, pumasok sya sa silid pero iniwan lang na bahagyang naka pinid ang pinto

My Doctor Neighbor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon