* * *
"Mama, I'm gonna get Ely in my room," paalam ni Zed na lumapit agad kay Cee-Cee pagkatapos nitong bumaba sa silya.
"Sure, baby," pahintulot naman niya.
Halos katatapos lang nilang tatlo nila Grayson na mag-umagahan. Maaga rin kasing umalis ang kapatid na si Carmella kaya't hindi naman ito nakasabay sa kanila sa pag-aalmusal.
Plano nila ngayong araw na puntahan si Maestro Mario sa studio nito sa Icheon. Halos isang buwan narin kasi ang nakakaraan simula noong huling pagdalaw niya rito. Ito pa naman ang nagtuturo sa kanya sa paggawa ng mga pottery at sculptures na naging daan niya upang unti-unting maghilom sa nakaraan at magsimula ng bagong buhay dito sa Korea. Sa dami kasi ng ginagawa niya ngayon bilang bagong-talagang direktor ng Hangaram Art Museum ay aminado siyang marami na siyang bagay sa buhay na hindi maiwasang maisantabi.
"Bakit ang tahimik mo?" Tanong niya agad sa katabing lalaki na walang imik na nakatitig sa tasa ng kape.
"Kanina ka pa walang kibo ah."
Bumuntong-hininga naman ito't ibinaling narin ang tingin sa kanya.
"I was just thinking..." umpisa ni Grayson na tila naghahanap pa ng mga salita, "... alam mo namang matagal na 'kong nanliligaw sa'yo diba?"
"... Wala parin ba? Hindi mo parin siya makalimutan?"
Napakurap siya't biglang lumihis ng titig. Siya naman ngayon ang napabuntong-hininga. Alam niyang hindi magtatagal ay magtatanong narin ulit ito ukol sa estado ng kanilang relasyon.
"Gray... hindi sa umaayaw ako... pero alam mo naman kung gaano ka-complicated ang buhay ko, diba?"
"Hindi madali," aniyang parang hindi na mapigilan ang sarili sa kakahugot ng malalim na hininga.
"I'm willing to be by your side, whatever it takes. If you'll just give me chance—"
"Gray..."
"Cathy..."
"I told you, I'm not that person anymore," tutol niya sa pangalang matagal na niyang winaglit at pinakawalan.
"Then give yourself another chance. As Cee-Cee, as Cathy, it doesn't matter," agad rin buwelta ni Grayson.
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 2 || Social Serye
RomanceTotoo ba ang kasabihan na kapag itinadhana kayo sa isa't isa, ano man ang mangyari, kayo parin sa huli? Magkalayo man, dumaan man ang maraming taon, halos mabura man ang alaala sa puso at isip, kapag oras na, oras na ulit. "You have a strong string...