NAIA Terminal 1. 7:02pm.
Kalalabas palang ni Xander ng airport arrival area pero ang bilis agad ng ratsada ng bunganga ng sumasalubong na si Paolo. Inangat pa nito ang karga-kargang brown bag at disposable cup sa kamay habang ito'y papalapit. Tumaas tuloy ang kanyang kilay. Kahit kasi pinandidilatan na niya ang magulong assistant ay hindi talaga ito tumitigil.
"Yes naman!!! Mabuhay!!! Welcome back, Bossing!!!" Bati ng lalaking abot-tainga ang ngiti.
Napabuntong-hininga nalang tuloy siya't napailing.
"O, 'eto, dahil alam kong gutom ka na..." bigay naman nito sa kanya ng mga dalahin.
"What's that?"
"Jollibee! Two piece Chicken Joy meal," anito na ipinatong sa bagahe ang mga pagkain nang hindi agad niya ito kinuha.
"... Walang ganyan sa Korea! Sarap pa ng gravy niyan o... mmm, ang bango..."
"Parang ikaw naman yata ang nagugutom," puna naman niya rito.
Kaagad naring kinuha ni Paolo ang kanyang cart upang ito na ang magtulak habang magkasabay silang naglalakad.
"Ah, 'de nako, boss! Kumain na 'ko," kaswal lang nitong tugon. "Two piece 'yan diba? Kinain ko na 'yong isa."
Mabilis tuloy siyang napalingon at saka pinaningkitan ang makulit na kasama. Heto na naman sila—dating gawi na naman. Ang tagal nga rin kasi niyang hindi ito nakikita. Kahit madalas siyang nabubuwisit dito'y hindi naman niya maitangging nakakamiss din palang mang-asar itong malapit na kaibigan.
"Joke lang!!" Bawi agad nito na naka-peace sign pa. "Buo pa 'yan, boss, pati pakpak."
Pagdating naman sa sasakyan ay tinulungan agad sila ng driver na si Mang Justino na naghihintay sa labas ng kotse. Wala naman siyang gaanong dalang gamit kaya't mabilis din silang nakapaglagak ng bagahe sa likod at maya-maya pa'y nakaalis narin sa paliparan.
"How's Lola doing?" Kumusta agad niya sa matandang na-ospital.
"Ayon, hinihintay ka. Mahina parin eh, pero sumisigla-sigla narin naman kasi sabi ko padating ka na ngayon," balita naman ni Paolo na nasa unahang upuan.
"Then go straight to the hospital. I want to see her right away."
"Okay! Claro, Señor!" Mabilis na sagot ng assistant saka nagbilin sa tagapagmaneho.
"Oh... and then call home. Tell them I need the nursery room fixed ASAP," dagdag-utos pa niya habang nagkukukutkot ulit sa cellphone.
"Bakit, boss... mag-mo-move on ka na ba?"
Umiling lang siya't ngumiti.
"I found my son."
"Ha???" Gulat na sambit ni Paolo na napapihit agad nang husto sa pagbaling sa likuran.
Dito na niya ipinakita sa kausap ang kopya ng birth certificate na ibinigay ng asawa. Mabilis pa sa alas-kwarto'y kinuha agad ito ng empleyado na nanlalaki ang mga mata. Pati naman si Mang Justino'y napapasulyap din sa hawak nito.
"Hala... OH EM GEE... buhay nga si baby?!" Bulalas ng assistant na panay parin ang taas-babang tingin sa papel.
Tumango naman siya.
"He's coming home with Cathy soon," aniya pa.
"So... ibig sabihin..."
Pumihit muli patalikod si Paolo at saka tuwang-tuwang napakambiyo ng braso.
"... SABI NA'T EH! UNANG KITA KO PALANG TALAGA, BOSS! SABI KO SA'YO EH—AY WAIT!!"
Muli namang umayos ng upo ang lalaki't saka mabilis na nagpipindot din sa telepono. Maya-maya pa'y inangat na nito ang certificate sa harap at saka kinuhanan ng litrato ang dokumento.
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 2 || Social Serye
RomanceTotoo ba ang kasabihan na kapag itinadhana kayo sa isa't isa, ano man ang mangyari, kayo parin sa huli? Magkalayo man, dumaan man ang maraming taon, halos mabura man ang alaala sa puso at isip, kapag oras na, oras na ulit. "You have a strong string...