Episode 7: Twice the Men, Twice the Headache (Part 2)

2.6K 56 3
                                    

Dahan-dahang hinimas ni Cee-Cee ang tela ng unang kayakap at pinisil-pisil pa ito ng katawan. Ang lambot kasing kaakap. Parang heated pillow na masarap katabi sa malamig na gabi. Sa sakit ba naman ng ulo niya kanina na para na siyang nagdidiliryo ay tamang-tama itong pagkakomportable ng kanyang posisyon sa kama para maibsan ang kanyang nararamdaman.

Dinantayan pa nga niya ang unan ng binti. Hay, parang 'yong mga hotdog na mahahaba't malalambot sa Pilipinas. Meron siya dati no'n noong nakatira pa siya sa Batangas eh. Pero mas masarap 'tong kayakap—mas malaki, mas mainit sa katawan, mas mabango. Ang bangu-bango talaga, parang pinagsama-samang bagong ligo na may halong perfume na dinadala ang isip niya sa paraiso. Ilang beses na yata niya itong inamoy. Nakakaloka, kahit itingala niya ang mukha niya'y nababalot parin ng kakaibang halimuyak ang kanyang ilong.

Hay! Okay na siya dito sa pwestong ito. Kahit habambuhay na siyang nakayakap sa unang katabi ay pwedeng-pwede na. Saan ka ba naman kasi makakahanap ng unang parang pumapalibot ang init? 'Yon bang parang unti-unti ring yumayapos sa'yo at humahaplos sa likod mo. 'Yong tila nag-iiwan ng bakas ng maliliit na halik sa leeg mo. Juskolord, unan of her dreams?

Pero parang bumabalik ata ulit 'yong lagnat niya eh. Ang init. Ang init sa mukha, ang init sa balat. Ang init sa leeg niyang parang kinikiliti ng munting malalambot na marshmallows na malagkit—s'mores yata ang tawag do'n. Ang sarap tikman. Parang unti-unting naglalakbay 'yong mga marshmallows sa panga niya't pisngi. Ay jusko, nilalagnat ba siya o nagugutom?

Hanggang sa nahuli narin ng mga bibig niya 'yong gusto niyang kainin. Ang ilap pa nito ha! Arte-arte, gustong magpahabol. Kung hindi lang talaga masarap eh. Kinagat-kagat pa niya ng marahan at ilang beses ang malalambot na bagay para pumirmi ito. Pero bakit sa halip na siya ang nangangain ay parang siya na ang hinihigop ng mga ito?

Ang init lalo ng paligid. Para nang may sariling buhay ang kanina pa niyang kayakap na unan. Nararamdaman niyang unti-unti na itong dumadagan sa kanya. Ang bango talaga nito, kanina pa siya nanggigigil. Pero sa halip na siya lang ang namimisil ay tila nakakaramdam din siya ng pamimisil sa kanyang katawan. 'Yong parang pinanggigigilan nito ang balat ng kanyang baywang at tiyan.

Hanggang sa puntong ang hirap nang huminga. Kulob ng mainit na mga bagay ang mga labi niyang para nang nakikipaglaban ng tagisan.

Teka... ano bang—

"Cathy..."

Napamulat nalang siya at napasinghap sa gulat sa nangyayari. Bigla niyang naitulak ng malakas ang kasalo sa kama kaya't nalaglag tuloy ito sa higaan.

"OUCH! What the hell!"

Sinilip niya nang dahan-dahan kung ano (o sino?) ang nalaglag na iyon. Sakto namang patayo na rin ito at hinihimas ang nasaktan na puwitan.

"Xander?!"

"... What are you doing here? Paano ka nakapasok?!"

Nanlalaki parin ang kanyang mga mata  sa pagkakita sa hindi inaasahang panauhin sa loob ng kanyang kwarto. Tila naaalimpungatan naman ang katatayo lamang na lalaki at namumungay pa ang mga mata nito. Agad nitong sinuklay ng mga daliri ang magulo nitong buhok at huminga ng malalim.

"Zed let me in," malumanay na sabi ni Xander na hindi parin makatingin ng maayos sa kanya.

"Si Zed? Nasaan si Zed?" Bigla namang hanap niya sa anak na wala sa kwarto.

"Zed!!"

"Will you relax? Hindi ka pa okay," mabilis na sita ng lalaking muli namang lumalapit.

Ididikit na sana nito ang likod ng palad sa kanyang noo upang tingnan ang temperatura pero agad naman niya itong sinaling ng kanyang braso.

"Don't touch me."

Fated to Love You: BOOK 2 || Social SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon