Episode 12: Four Years Before (Part 4)

1.9K 31 0
                                    

JULY 2017, Mansión de la familia Del Viñedo, Manila.

Pababa pa lamang si Xander ng hagdanan ay nabubungaran na niya ang bisitang biglang tumayo sa upuan. Hindi na ata ito makapaghintay kaya't sinalubong na agad siya nito sa may huling hakbang. Samu't sari ang naging ekspresyon ng babae sa mukha. Marahil ay dala narin iyon ng ilang linggo nilang hindi pagkikita. Pero kung anong ikinaligalig ng damdamin ng dalaga'y siya namang ikinablanko ng kanyang mga tingin.

"What happened to you?" Tarantang tanong ni Ariana na humipo pa sa kanyang mukha.

"... Are you sick? You're getting so thin.... Are you not eating well? Hindi ka ba nila inaasikaso—?"

"Where is Cathy?" Sabat niya sa litanya ng pagaalala nito.

Napahinto tuloy ang babae sandali at ibinaba muli sa gilid ang parehas na kamay.

"Hindi mo man lang ba itatanong kung kumusta na 'ko? If I'm doing better?" Mahina nitong usal na tila nagtatampo sa ginawa niya.

"... Nakalimutan mo na ba na nasaktan din ako sa mga nangyari, and literally at that? I can't even give my 100% anymore when I'm dancing..."

"I've kept my end of the bargain, Arie. Nasaan si Cathy?" Aniya namang pinanatili ang usapa't pakay.

"Didn't you hear what I just said? I can't dance! Hindi na ako pwedeng sumayaw ulit on stage. Did you not hear that..." ulit ng dating kasintahan na naghihintay ata ng awa niya.

Pero nanatiling blanko't sarado ang kanyang puso't isip. Blanko sa tamang malasakit na siguro'y nais nitong ipakita niya, blanko sa mga tingin ng pakikiramay sa masaklap na sinapit ng babaeng matagal din niyang minahal. Wala siyang maibigay dito na kahit ano mang pagaalala o pagiintindi. Wala.

Napapikit si Ariana't napabuntong-hininga. Maya-maya pa'y inabot na nito't tinabanan sa mga palad ang parehas niyang mga kamay. Sa pagtingin muli sa kanya ng mga mata nitong malulungkot ay mas lumapit naman ito sa kanyang kinatatayuan.

"Bakit tayo nagkaganito, Xander?" May kirot na sambit ng dalaga.

"Three years..." patuloy nitong lahad, "three years, I was loyal to you. Ni minsan hindi kita niloko. I was away but my heart was always yours—"

Mabilis niyang tinanggal sa pagkakahawak ang kanyang kamay at saka kaagad na tinalikuran ang dating nobya.

"Xander! Please... kausapin mo naman ako. Don't do this to me... please..." pigil naman ng babae sa braso niya't pilit siyang hinihigit pabalik.

Muli tuloy niyang iniharap ang sarili sabay ng pagkalas muli ng braso sa kapit nito.

"Arie, how many times do I have to tell you? It's over! Wala na tayo! It was over the second you left me to go on that fucking boat alone and chose to live your life apart from me," sunud-sunod na niyang siwalat.

"You chose your dreams," paalala niya ritong puno ng bigat sa salita, "You chased them all the way to the top at the expense of us."

"... Nagawa mo naman, diba? Masaya ka na ba?"

Umiling ang dalaga't unti-unti nang nagsikawala ang nangingilid nitong mga luha. Pilit nitong pinipisil ang mga kamay niyang walang bahid ng tugon sa mahigpit nitong mga hawak.

"I'm not happy," wika nito. "Akala ko magiging masaya ako... but I lost you. Now, nothing makes sense.... I don't even know what I'm doing anymore."

"... Diba nga handa na 'ko para sa'tin? I was ready to give it all up."

Nagwalang-kibo nalang siya habang ibinabaling sa ibang tanawin ang kanyang mga mata.

"Namimiss na kita eh..." nagluluha nitong sabi. "Babe..."

Fated to Love You: BOOK 2 || Social SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon