Episode 12: Four Years Before (Part 1)

2.4K 26 6
                                    

A/N: This episode is also called "The Answer" sa Facebook version.

• — •

JUNE 2017. St. Luke's Hospital, BGC:

"His vital signs are stabilizing despite the complications. He's a little fighter, that baby," patuloy na balita ni Dr. Davide sa mag-inang Cathy at Charito matapos basahin ang chart na hawak.

Ilang araw narin ang nakakalipas mula nang mangyari ang aksidente at patuloy parin sa pagkaka-confine si Cathy at ang kanyang anak sa ospital. Araw-araw din silang nakakatanggap ng tawag at dalaw mula sa kampo ng mga del Viñedo pero mariin niyang ipinagtatabuyan ang mga ito't hindi hinahayaang makadalaw sa kanya.

Wala pang ibang nakakaalam ng katotohanan. Tanging siya, ang kanyang ina, at ang doktor lamang ang may alam na nakaligtas ang sanggol. Tila imposible ngunit nagpapasalamat siya sa Diyos sa mirakulong ipinagkaloob sa kanya at sa pangalawang buhay nilang mag-ina. Hindi pa tapos ang laban, may tiyansa paring hindi makayanan ng sanggol ang kalagayan. Ngunit ngpapasalamat naman siya't malaking ang malasakit ng manggagamot na patuloy na nagaaruga sa kanila.

"But he's very fragile," muling wika ng doktor. "He has to stay in an incubator until he's fully developed. He's three months premature and that'll have an overall effect on his health."

Nanghihina parin talaga siya. Bahagya niyang inangat ang ulunan ng kama upang siya'y makaupo pero kinailangan pa siyang alalayan ng nanay habang nakikinig sa sinasabi ng doktor.

"Doc, masisigurado niyo po ba na mabubuhay ang bata?" Tanong ni Nanay Charito.

Napabuntong-hininga ito bago magsalita nang mas malumanay.

"I'm gonna be honest with you... the chances are very slim, but we're doing our best to ensure that he survives," sagot ng lalaki.

"... But how will you handle the expenses? I can only help you so much. Professional fee lang talaga ang kaya kong i-waive para dito. Paano ang treatment para sa bata? Ang medical bills?"

Sunud-sunod ang paalala ni Dr. Davide sa mga gastusing hindi mawari ni Cathy kung paano uumpisahang bayaran. Hindi pa siya nakakabawi sa sakit ng katawan at puso'y binabagabag na siya agad ng napipintong realidad.

"... I think it's best if we tell the del Viñedos—"

"'WAG!!" Hiyaw niyang takot na takot at nanggagalaiti.

"'Wag po..." nangangatal niyang pakiusap sa ginoo na napatigil sa pagsasalita.

"... G-Gagawan ko po ng paraan. Parang awa niyo na po. 'Wag niyo pong sasabihin sa kanila 'yong tungkol sa anak ko."

Agad namang hinimas ni Nanay Charito ang kanyang braso at buhok upang mahimasmasan siya ng kahit kaunti. Nakikita't nararamdaman niya ang matinding pag-aalala nito pero hindi niya talaga maiwasang magpuyos kapag naririnig ang pamilyang unti-unti niyang kinamumuhian.

"Anak... ipaalam mo na kay Xander. Makakatulong sila sa'tin. Mas magiging malaki ang tiyansa na mabuhay ang bata kung hihingi tayo ng tulong sa mga del Viñedo," pilit na pakiusap ng ina sa kanya.

"'Nay... papatayin ni Xander ang anak ko. Naiintindihan niyo po ba 'yon? Lalong mapapahamak si Zion kung malalaman ng lalaking 'yon ang totoo. Mawawala siya lalo sa'kin," giit naman niya habang nagsisimula nang mangilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Cathy..."

Umiling siya nang paulit-ulit at mabilis na pinahiran ang pisngi.

"Gagawa po ako ng paraan... kaya ko 'to... gagawin ko ang lahat para sa anak ko," matalim niyang pahayag ng kanyang desisyon.

Fated to Love You: BOOK 2 || Social SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon