"Cee-Cee, this is Señor Alexander del Viñedo of the Del Viñedo Group of Companies."
Tulala parin ang mga mata ni Xander na nanlalaking nakatitig sa napapakurap na si Cee-Cee. Parang magnetong hindi mapaghiwalay ang mga tingin nila't kahit ang mga paa'y ayaw silang paglayuin.
Ang bilis ng pangyayari. Alam naman niyang mukhang interesanteng tao ang babaeng tinutukoy ng maestro pero hindi niya inaasahan ang bumulaga sa kanyang harapan. Bakit at paanong nandito ito sa Korea?
"... They own one of the largest conglomerates of companies in the Philippines. And they're planning to expand their operations abroad as well, is that right?" Patuloy ni Maestro Mario na tila walang kamalay-malay sa kaganapan.
"... Señor?"
Napakurap naman siya't nanumbalik ang diwa sa kasalukuyan. Naghihintay pala ang matanda sa kanyang isasagot. Hindi man niya tuloy masyadong narinig ay nagbigay narin siya ng tugon.
"Uh... yes..."
Tikom parin sa pagsasalita at hindi makakilos si Cee-Cee. Napansin din niyang panay ang tingin nito sa batang kinakarga niya.
"Cee?" Tawag ng guro sa nananahimik na babae.
Napalunok tuloy ito. Humugot ito ng malalim na hininga at saka inilahad ang kamay nang may pagaalinlangan.
"P-pleasure to meet you... Mr. del Viñedo."
Tumingin naman siya sa nakalahad na parte. Hindi rin niya tuloy maiwasang makaramdam ng bahagyang kaba. Sa apat na taon kasi nilang pagkakahiwalay ay ngayon lang niya ulit itong madadama't mahahawakan.
"Pleasure's mine..." sagot niya sa pag-abot ng kamay ng kaharap.
Nagdikit ngang muli ang mga palad nilang matagal nang hindi nagkakalapit. Ang lambot talaga nito. Napakayumi ng mga daliri sa gitna ng pumapalibot niyang balat. Para tuloy siyang nakataban sa unang gusto niyang pisil-pisilin. Kung hindi lang mabilis na inalis ng babae ang kapit nito'y baka hindi rin niya ito agad nabitawan.
"Good, I'll leave you two to talk for a bit. I think my assistants are here," usal naman ng titser nang masilip ang paparating na mga trabahador sa tindahan.
"Take care of our guest," habilin nito kay Cee-Cee.
Sa pag-alis ng ginoo ay mas lalong namuo ang tensyon at pagkaasiwa sa kanilang paligid. Silang tatlo nalang ang naroon—siya, si Zed, at ang hindi niya inaasahang magulang nito.
Wala parin ni isa sa kanila ang makapagsalita. Nakatayo lang silang parang tuod na nakabaling ang pansin sa magkakaibang bagay. Tanging tunog ng bamboo chimes na nakasabit ang naririnig sa lugar sa tuwing umiihip ang hangin.
Sa huli'y ang babae na ang naunang gumalaw at kumibo.
"I'll take him," sabi nito na parang hindi mapakali sa pagkakahawak sa braso ng bata.
"He's sleeping, let him sleep," nasabi nalang niya.
"Give me my son, sir."
Nagkatamang muli ang kanilang mga mata. Kung kanina'y pagkagulat lamang ang nakatanim dito'y ngayon naman ay mas matalim na pagkaseryoso ang laman ng nagbabantang titig nito.
Napatahimik ulit siya. Sa bawat segundo kasing magkahinang ang mga tingin nila'y mas lalong lumalabas ang inis sa ekspresyon ng kasama. Ngunit hindi siya nagpapatalo. Dahil kung anong ikinaseryoso ng tingin nito'y sinasabayan din niya ng matamang mga titig.
"Zed... Mama's here... come, baby..." anitong nagsimula muling hatakin ng bahagya sa katawan niya ang bata.
"No... Ahjussi..." ingit naman ng paslit na naaalimpungatan at patuloy ang pagkapit sa kanyang leeg.
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 2 || Social Serye
RomansaTotoo ba ang kasabihan na kapag itinadhana kayo sa isa't isa, ano man ang mangyari, kayo parin sa huli? Magkalayo man, dumaan man ang maraming taon, halos mabura man ang alaala sa puso at isip, kapag oras na, oras na ulit. "You have a strong string...