Lumalim ang titigan ni Xander at Cee-Cee na dulot ng namumuo na namang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Heto't parehas na silang nakaupo ng harapan at handa nang magdiskusyunan pero umpisa palang ay nagtatalo na ang kanilang mga mata. Nais nga sana ni Xander na malumanay silang magkausap ng dating asawa, ngunit pakiramdam naman niya'y wala ata itong patutunguhan.
"Are you trying to get my son to go against me?" Sambit agad sa kanya ng dating esposa.
"That's not what I was doing. Why would I do that?" Buwelta naman niya.
"I'm just saying, 'wag mong pagalitan 'yong bata because he's telling the truth. He acted the way he did because he knew what he saw."
Natahimik tuloy ito't agad na inilihis ang tingin.
"It's true. I kept a picture of you," patuloy niya ng mas mahinahon.
"I... couldn't delete it... so I kept it there. I didn't think you would ever find out."
Humarap naman itong muli sa kanya na dala parin ang parehong init ng mga matang nakatitig.
"And are you expecting me to ask you why?"
Siya naman ngayon ang nawalan ng kibo. Ano nga bang inaasahan niyang magiging reaksyon ng dating misis dito? Bakit ba niya ito ipinagtatapat?
"'Cause I really don't care," may diin nitong usal.
Ibang-iba na talaga ito ngayon kaysa dati. Ang tigas na talaga nito na para nang bato. Nakakagulat ang mga binibitawan nitong salita na hindi niya akalaing masasabi ng babae.
"Look... can we forget we're not okay even just for today? Let's not fight in front of Zed," wika nalang niya na pilit isinasaayos ang usapan. "And not while you're sick."
Agad namang umismid ang kausap at inihalukipkip ang mga kamay. Tumaas pa ang kilay nitong tila nangungutya sa pagkakatingin.
"Gano'n na ba talaga kadaling makalimot?" Anitong may talim sa tono. "Isang sabihan lang, mawawala na lang lahat? Maglalaho nalang lahat?"
"... Oh, right... of course... all those countless nights you forgot you had a wife and a son. So easy for you to do. So convenient."
"... Since expert ka naman, then tell me, is it easy to forget?"
"I don't know, Cathy," banat niya pabalik. "You tell me."
Napansin niya ang paniningkit ng mga mata nito pero hindi niya pinigilan ang sariling magsiwalat ng damdamin. Bakit? Ito lang ba ang may karapatang maglabas ng nararamdaman?
"You left me and forgot me for four years... remember?" Patuloy niya na humalukipkip din sa pagkakaupo.
"... Left no trace. No news of what happened to Zion. You erased me from your life like I was never your husband and the father of our child."
"... You constantly ran away from me when I was trying to fix everything for you. For us."
"... So, yes, tell me, Cathy. Is it easy to forget?"
Nakita niya ang paninigas ng panga ng kausap na para ng gustong magpuyos sa inis. Maging siya'y nakaalerto ang buong katawan sa nararamdamang hinanakit.
"Do you really want to start this fight?" Usal nitong nakakapit na ngayon sa dulo ng mesa.
"Gusto mong magpamukhaan tayo ng kasalanan dito, ha, Xander? Anong gusto mo?"
Bumuntong-hininga siya ngunit hindi niya inaalis ang matalim ring titig sa dating asawa. Gusto man niyang maglabas pa ng kinikimkim ay ayaw niya itong patulan sa ganitong kundisyon.
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 2 || Social Serye
RomanceTotoo ba ang kasabihan na kapag itinadhana kayo sa isa't isa, ano man ang mangyari, kayo parin sa huli? Magkalayo man, dumaan man ang maraming taon, halos mabura man ang alaala sa puso at isip, kapag oras na, oras na ulit. "You have a strong string...