Episode 7: Twice the Men, Twice the Headache (Part 4)

2.6K 49 14
                                    

"Do you want to tell me why he's here? How does he know where you live?"

Nagsunud-sunod na ang mga katanungan kay Cee-Cee ni Grayson na noo'y nakaupong kasama niya sa salas. Hindi naman niya malaman kung anong isasagot dahil sa totoo lang ay kahit sila ni Xander ay hindi pa naman talagang nakakapagusap ng maayos. Wala tuloy siyang ideya kung paano ito nabalabag sa pamamahay niya.

"What's happening? Should I be worried?" Patuloy nitong kuwestiyon nang hindi siya agad nakatugon.

Hindi naman siya makapirmi ng maayos sa kinauupuan. Bukod kasi sa hindi pa maganda ang kanyang pakiramdam ay naaasiwa rin siya sa presensiya ng dating asawa na noon nama'y nakatayo sa kalapit na pintuan at nagpipipindot sa hawak na cellphone.

"Grayson, please... 'wag na munang maraming tanong, pwede?"

Litaw parin sa boses niya ang pagkainis sa kaibiga't manliligaw. Hindi kasi niya makalimutan ang pang-i-indian nitong ginawa sa kanya kagabi sa masquerade ball. Alam naman niyang may handa itong eksplanasyon at susubukan naman niya itong pakinggan pero—ewan ba niya. Kanino ba talaga siya naiinis? Kay Grayson? O kay Xander na unti-unti nang lumalapit sa kanilang direksyon?

Aba, at doon pa talaga ito nagpunta sa sofang inuupuan nila! Hindi pa ata ito nakuntento at pilit pa itong naupo sa tabi niya't nagsumiksik sa pwestong masikip.

"Xander," mariin niyang tawag dito sa kanyang paglingon.

"Hm?"

"What are you doing?"

"Sitting," simpleng tugon ng lalaki.

Napa-irap tuloy siya't hinarap ng tuluyan ang dating mister. Tila patay-malisya naman ito sa ginagawa at nagpatuloy lang sa pagsandal sa upuan habang yakap-yakap ang throw pillow na nahagip.

"I meant, what are you doing here?"

"Well... would you rather I stay in your room?"

Nanlaki tuloy bigla ang kanyang mga mata't nakaramdam ng pag-iinit sa pisngi. Ang swabe kasi ng pagkakasabi nito na parang maraming gustong ipahiwatig. Pakiramdam niya'y parte rin noon ang pagpapaalala sa kanya ng nangyari sa kwarto kanina.

Pero hindi parin niya talagang mabasa ng lubos ang nasa isip nito. Kung makaasta kasi ito'y parang normal lang ang lahat ng ikinikilos. Tinaasan pa siya ng kilay ng loko habang pinandidilatan niya ito.

"Hindi ka pa ba aalis?!" Tugon niyang muli sa katabing lalaki.

"Nope," wika ni Xander, "I already cleared my schedule. I'm staying."

Seryoso ba talaga 'to? Naghalu-halo na ang mga ekpresyong namuo sa kanyang titig na noo'y may kasamang gulat, inis, at pagtataka. Lalo ring nakapagpadagdag ng bwisit niya rito ang tila pagwawalang-bahala nito sa pagaaway nilang dalawa. Hindi ba't magkagalit sila? Bakit ba 'to lapit ng lapit?

"Nasisikipan ako—"

"Then move your butt—"

"Lumipat ka nga!"

"Xander..." sabat ni Grayson sa kanilang dalawa, "... nag-uusap kami ni Cee-Cee."

"Okay," kaswal namang sagot ng napagsabihan at hindi na kumibo.

Bigla tuloy nabalot ng katahimikan ang paligid. Wala ni isa sa kanila ang nagtangkang magsalita. Pare-parehas lang silang nanatiling nakasandal sa upuan at tila masinsinang nagpapakiramdaman sa mga galaw.

"Oh?" Ang dating katuwang na ang nagumpisa. "Go on and talk. I really don't mind."

Hindi na nagtagal ay bumaling muli sa kanya si Grayson at inabot ang kanyang kamay.

Fated to Love You: BOOK 2 || Social SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon