Episode 4: It's a Smaller World (Part 1)

2.5K 51 6
                                    

ON THE PHONE:
Cee-Cee 📞 Yaya Linda

CEE-CEE: Manang Linda, hindi ho ba talaga pwede na bukas na kayo mag-day off? Bad timing lang ho talaga today.

YAYA LINDA: Eh, ma'am, hindi ko naman po maka-cancel yung appointment ko sa doktor. Mahirap na pong makakuha ulit ng appointment do'n sa ispesyalista. Kung wala lang po talaga sana akong gagawin, sasamahan ko po si Zed sa school.

CEE-CEE: (bumuntong-hininga) Paano ba 'to... wala si Ate Carmi... out of town si Grayson...

YAYA LINDA: Yung kaibigan ko po sana, ma'am, kaso hindi rin pala pwede ngayon.

CEE-CEE: Baka naman ho pwedeng masamahan niyo si Zed kahit saglit lang. Ma-le-late lang ho ako ng konti. Pagkatapos na pagkatapos ng meeting, didiretso po agad ako sa school.

YAYA LINDA: Eh... mahahatid ko po siya pero hindi po ako pwedeng magtagal. Didiretso narin po ako sa clinic pagkatapos.

CEE-CEE: Ah... sige po... ayos lang po... pwede na 'yon... thank you po ng marami!

YAYA LINDA: Sige. Saglit lang po, pabalik na po ako diyan.

* * *

"Anak, magpapakabait ka sa school, okay?"

Dali-daling isinara ni Cee-Cee ang lunch box ni Zed at itinabi sa bag nito na nakapatong sa silya. Sa harap naman ng salamin ay pinipilit ayusin ng bata ang necktie nitong hindi maitali ng maayos. Napansin narin naman niya agad na nahihirapan ito kaya't nilapitan niya ang anak at lumuhod sa tabi.

"Come here, let me see you..."

Pinaharap niya sa kanya ang bata at inayos ang necktie at uniform nito. Pati ang pagkaka-tuck in ng polo nito'y inayos niya ng maigi. Nang makita naman niyang handa na ito'y napangiti siya sa istura ng anak.

"Big boy na ang baby ko. Ang gwapo," sabi niya sabay halik sa matambok nitong pisngi.

"Mama, are you coming with me?" Tanong agad ni Zed na kumapit sa kanyang leeg.

"Well... I'll come later. Yaya will bring you to school," nagaalangan pa niyang tugon. Alam niya kasing magtatampo na naman ito sa kanya.

"But, you promised..."

"I know... I'm sorry... meron lang early meeting si Mama. I'll still be there. I'm just gonna be late."

Napalitan tuloy ng lungkot ang ekspresyon ng bata. Nag-umpisa naring mamasa ang mga mata nitong agad kinusot ng mga kamay.

"I don't want to go anymore..." tutol ng bata.

"Zed..."

Umiiling parin ito't tila ayaw na talagang pumasok.

"I'll come with you, Mama..."

"Honey, you can't miss class. It's your first day."

Tuluyan na ngang umiyak ng malakas ang munting paslit. Naawa tuloy siya sa bata pero wala naman siyang magawa. Importante kasi ang meeting na kailangan niyang daluhan dahil kasama rito ang conference call na manggagaling pa sa Italy. Inaayos kasi niya ang mga huling detalye ng pag-transporta ng mga obra para sa nalalapit na exhibition.

Inakap nalang niya ang batang lalaki ng mahigpit at inaamu-amo habang hinihimas ang likod.

"Don't cry... don't cry, anak," pilit niyang pagpapatahan dito. "After school we'll go to your favorite toy store... we'll get you your favorite food... how's that?"

Unti-unti narin itong tumahan at kinusot muli ang mga mata nang pakawalan niya ito sa yakap. Pinunasan rin niya ang mga pisngi nito't hinagkan ang noo pagkatapos.

Fated to Love You: BOOK 2 || Social SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon