* * *
"Cathy?"
Lumingon si Cee-Cee sa pagkakatawag ng kanyang pangalan ng papalapit sa sofa na si Xander. Dahan-dahan naman itong umupo sa kanyang tabi at saka iniakbay sa kanyang balikat ang braso. Kasalukuyan din kasing natutulog si Zed at nakahiga ang ulo nito sa kanyang hita kaya't nag-iingat silang parehas sa paggalaw.
"Are you okay?" Tanong nito sa kanya habang hinahaplos ang buhok ng bata.
"Yeah..." sagot niya ngunit hindi naman maalis ang tingin sa hawak na cellphone.
Napansin ata ito ng katabi kaya't sandali pa'y naramdaman na niyang sumisilip narin ito sa kanyang taban.
"Ah... si Grayson. Nagte-text na sa'kin. He's looking for me."
Natahimik panandalian ang lalaki na parang alam na sa isip ang mga nangyayari. Ipinagpatuloy nalang nito ang paghimas sa ulo ng napagod na bulinggit. Maging siya'y wala rin namang masabi kaya't parehas na silang walang naging imik sa pagkakaupong iyon.
"When are you gonna tell him?" Wika narin nito nang tumagal.
Bumuntong-hininga naman siya't isinandal ang ulo sa balikat ng nakabalikang esposo.
"I don't know..." mahina niyang usal.
"Bakit ba kasi hindi pwedeng maging tayo na walang nasasaktan? Bakit ang hirap maging masaya?" Patuloy niyang bahagi ng kanyang saloobin.
Si Xander naman ang napabuntong-hininga. Kinuha nito ang telepono mula sa kanyang pagkakabitbit at isinantabi ito sa may mesa. Matapos ay binalikan nito ang kanyang kamay at hinawakan iyon na magkasalikop ang mga daliri.
"I think that... when we think too much of everyone else's expectations and try to please them with our choices, we end up hurting ourselves a lot more. We think it's beneficial, but really, it ends up affecting all of us negatively," panimula nitong pahayag.
"Maybe, for once, we should just be true to ourselves. If we love each other, then let's love each other. It may hurt them at first, yes, but it'll free them, too. It'll free them up to find love the way that we did."
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 2 || Social Serye
RomanceTotoo ba ang kasabihan na kapag itinadhana kayo sa isa't isa, ano man ang mangyari, kayo parin sa huli? Magkalayo man, dumaan man ang maraming taon, halos mabura man ang alaala sa puso at isip, kapag oras na, oras na ulit. "You have a strong string...