"Alexander Zion Santos... Is that your full name?" Kuwestiyon ng guro kay Zed habang binabasa ang natagpuang pangalan sa listahan.
Tumingin lang si Zed sa titser nito na parang hindi maintindihan ang sinasabi.
Sa pinto nama'y biglang may kumatok at sumilip sa maliit nitong bintana. Napalingon tuloy ang ginang at ang lahat ng mga estudyante sa direksyon nito. Hindi rin naman nagtagal ay pumasok na ang bisita sa classroom at agad na bumati sa guro.
"Sorry, I'm late!" Paumanhin ng kararating lang na si Cee-Cee.
"Mama!" Mabilis na bati ni Zed sa nanay.
"Oh, Miss..." panimula ng guro habang hinahanap ang linyang binabasa nito kanina sa hawak na papel.
"Cee-Cee Santos," pakilala na niya sa sarili at hindi na ito hinintay.
Napansin naman niyang nagsalubong ang mga kilay ng titser at napatitig ito ng husto sa listahan. Mukhang hindi ata ito ang inaasahan nitong sagot. Hindi naman bago para sa kanya ang ganitong sitwasyon. Sa loob ng apat na taon ng pangunguwestiyon ay marami-rami narin siyang kinailangang paliwanagan.
"Cathy del Viñedo. That's my legal name, but I prefer not to use it."
"Ah..." sagot nitong may tango. Mukha namang naintindihan narin nito ang nangyayari.
"Please confirm your child's name," agad na pakiusap ng guro sabay pasilip sa kanya ng pangalan ng anak sa papel.
"Yes, that's him," kumpira niya.
"Thank you."
Nang magpaalam namang sandali ang titser upang lumabas ay tumungo narin siya sa kinaroroonan ni Zed. Kasalukuyan nitong binubuksan ang lunch box na inihanda niya kanina. Napasakto palang breaktime na ng mga estudyante kaya't kanya-kanya na ang mga ito ng kain ng meryenda. May ibang mga magulang rin na dumadating at sinasalubong ang mga anak.
"Is Ahjussi outside?" Tanong agad ng bata sa kanya.
"Who's ahjussi?" Usisa naman niya rito.
"My friend. He came to school with me and yaya."
"Oh... who is it? Someone I know?"
Napaisip sandali ang anak ng maigi. Maya-maya pa'y umiling narin ito kaagad.
"What's his name?" Patuloy niyang pangunguwestiyon.
"Uh..." bumalik sa pag-iisip si Zed, "... Ender."
"Ender?"
Tumango ito ng maliksi at ngumiti. Nakakapanibago ang ipinapakita nitong saya sa pagkukuwento tungkol sa bago nitong kaibigan. Kung sino man ito ay tila malapit talaga dito ang loob ng bata.
Agad namang tumayo si Zed at nagtungo sa may pintuan. Binuksan pa ito nito at isinilip ang ulo ng panandalian sa labas.
"Do you see him?" Tanong niya rito.
Umiling ang anak. Mukhang nalungkot rin ito sa hindi pagkakakita sa taong hinahanap. Nanumbalik na lamang ito sa kanilang pwesto at sa kinauupuan nito.
"Mama... you should meet him! He's really nice," suhestiyon ng muling nabuhayan na si Zed.
"How did you know him?" Hindi naman niya mapigilang kuwestiyunin.
"I saw him at the airport. He was crying."
"Oh..."
"I cured him with my hug."
Kumunot bigla ang kanyang noo't nabahala sa ikinilos ng bata.
"Honey, you should really be careful about giving random hugs to strangers. There are lots of bad people out there," paalala niya rito.
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 2 || Social Serye
RomanceTotoo ba ang kasabihan na kapag itinadhana kayo sa isa't isa, ano man ang mangyari, kayo parin sa huli? Magkalayo man, dumaan man ang maraming taon, halos mabura man ang alaala sa puso at isip, kapag oras na, oras na ulit. "You have a strong string...