Hindi pa man nakakalapit sila Cathy at Xander ay gusto nang lumabas ni Madam Ramona sa kotse. Kung nakakalakad lang siguro ito nang maayos ay kanina pa itong nakababa. Pero dahil nga sa utos ni Xander kay Paolo ay mahigpit itong pinagbawalan ng assistant na makaalis sa kinalalagyan.
"Madam Chairman, 'wag na ho kayong lumabas... ay nako, magagalit si Bossing!" Saway ng empleyado.
"Let me see my apo... I want to see her," pilit naman ng matanda na isinisingit pa ang tungkod sa bukas na pinto.
Mabuti na lamang at nakarating narin ang amo at saktong nasilayan ang pamimilit ng lola. Pinababa muna nito si Paolo't pinasalubong sa mag-ina habang ito ang pumalit na nagpapirmi sa donya sa loob ng sasakyan.
"Lola? You know you can't walk too far. Please stay in the car."
"Dumating na ba siya? Dónde está Cathy? Bakit ang tagal?" Pangungulit parin nito't sunud-sunod na tanong.
"She's here," tugon naman nitong may ngiti sa labi.
Sinilip ni Xander si Cathy sa pintuang ngayo'y pinalaki ang awang at saka sinenyasang lumapit. Naiwanan naman muna ang bata sa pangangalaga ng assistant habang unti-unti nilang binalak na paliwanagan ang matanda. Nahihiya parin ang misis, ngunit nang makasakay na ito'y agad itong tumaban sa kamay ng lola't nagmano rito.
"K-Kumusta po kayo?" Bati ni Cathy sa ginang.
"Apo..." nakakunot-noo nitong siyasat sa kanyang mukha, "... is that really you?"
Marahan nitong sinapo ang kanyang pisngi't hinimas iyon ng mga daliri. Parang hindi parin ata ito makapaniwala na naroroon na nga siya't nakakausap nang malapitan. Iniwanan na lang kasi niya ang lola noon nang walang paalam. Tulad ng ginawa niya kay Xander ay isinantabi rin niya pag-aaruga't pagmamahal sa kanya ng punong maybahay ng mga del Viñedo.
Tumango naman siya't pigil-luhang ngumiti sa abot ng kanyang makakaya.
Nagulat nalang siya nang bigla siya nitong hinila sa parehas na kamay at mabilis na ikinulong ng mga braso.
"Oh... mi niña, mi hijita! Gracias a Dios! Bendecid al Señor!" Tuluy-tuloy nitong bigkas. "Mi amor, what happened to you? Ha? I waited so long... apo... what happened..."
"I'm sorry, Lola..." tangi nalang niyang nasabi.
Kaagad namang umiling si Madam Ramona at marahang hinagod ng mga palad ang kanyang likod.
"No, don't be... what's important is that you're here," ani naman nito. "You're here and safe. Nag-alala ako nang husto sa'yo, apo..."
Pero hindi parin niya mapigilan ang sarili sa paghingi ng tawad. Ngayon kasing unti-unti na niyang naiintindihan ang nakaraan ay pakiramdam niya'y nabaliwala niya ang lahat ng pagmamalasakit sa kanya ng señora.
"Sorry po talaga, Lola. Sorry..."
Dali-dali niyang pinahiran ang kanyang mga luha bago yumakap nang mas mahigpit.
"My child, don't cry," sabi nitong panay parin ang himas sa kanyang likuran.
"... Kung ano man 'yong nagawa mo, I'm sure you had a good reason to do so. Kung kinailangan mong lumayo... baka hindi ka na naging masaya sa'min. Baka nagkulang kami sa'yo..."
"... Pero mahal na mahal ka namin, apo. Mahal kita, you know that. Maiintindihan ko kung ano man ang rason mo. You're a part of this family and you're always welcome back home."
Napapailing parin siya habang humihikbi. Nahihirapan parin kasi siyang maglahad ng dapat niyang mga sabihin.
"Sorry po... hindi ko—hindi ko kasi..."
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 2 || Social Serye
RomanceTotoo ba ang kasabihan na kapag itinadhana kayo sa isa't isa, ano man ang mangyari, kayo parin sa huli? Magkalayo man, dumaan man ang maraming taon, halos mabura man ang alaala sa puso at isip, kapag oras na, oras na ulit. "You have a strong string...