Napakamot nalang sa noo si Xander bago siya napasapo rito. Maayos na nga ang pagkakagising niya ngayong araw eh. Nakaka-recover na nga ulit siya sa katatapos lang na death anniversary ng anak. Kung bakit ba kasi naisingit na naman ng Lola Ramona niya ang usaping tagapagmana. Medyo sumama na naman tuloy ang timpla ng umaga niya.
Sa ika-limang beses na pagkakataon simula nang dumating siya rito sa Seoul ay muli na naman niyang hinanap ang pangalan ng dati niyang esposa sa Facebook. Totoo—lagi niya itong binubuksan sa pagbabakasakali na makita niyang muli ang babae. Kahit sa isang post lang. Kahit sa isang update lang. Makita lang niya na maayos ang lagay nito at masaya sa kung ano man ang estado ng buhay.
Wala. Ito parin ang dating mga laman doon. Mga alaala ng masaya nilang nakaraan na sa mga larawan nalang niya nakikita.
Hindi niya malaman kung malulungkot siya o mangingiti. Naaalala niya kasi ang lahat ng mga litratong iyon—lahat—ultimong mga simpleng detalye. Ang suot na damit ni Cathy, ang ayos ng buhok nito, amoy ng pabango. Bumabalik sa kanya ang bawat isang araw sa bawat isang imahe na tinititigan. At sa bawat sandaling iyo'y nanunumbalik ang alaala niya sa dating asawa. Kung paano ito ngumiti, umiyak, tumawa ng malakas, magalit, maglambing, yumakap... humalik.
"Shit..."
Nagising agad siya sa pananaginip ng gising at pagkatulala. Bumalik tuloy ang pagkirot ng sentido niya. Sa pagbasa ng mensahe ni Alice ay tanging buntong-hininga nalang ang namutawi sa kanya sa pagbalik sa realidad. Ang layo na pala talaga niya sa nakaraan.
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 2 || Social Serye
RomantikTotoo ba ang kasabihan na kapag itinadhana kayo sa isa't isa, ano man ang mangyari, kayo parin sa huli? Magkalayo man, dumaan man ang maraming taon, halos mabura man ang alaala sa puso at isip, kapag oras na, oras na ulit. "You have a strong string...