"Ahjussi!!!"
Kaagad na sinalubong si Xander ng malaking ngiti at mahigpit na kapit ni Zed nang bumukas ang pintuan ng kanyang suite. Tuwang-tuwa itong yumakap sa kanyang binti at itiningala ang malalaki nitong mga mata. Agad naman niya itong binuhat at saka rin pinanggigilan sa mga yapos na maigting.
"I missed you already..." mahinang bulong ng bata na nakapulupot ang mga braso sa kanyang leeg.
"I missed you, too, buddy," nangingiti naman niyang sabi bago humalik sa gilid ng ulo nito.
Sa labas ng nakabukas na pinto ay nakatayo parin si Cee-Cee na pinanonood lang ang lambingan nilang dalawa. Hindi naman niya mapansin kung anong ekspresyon ang mayroon sa mukha nito dahil sa totoo lang ay kinakabahan din siyang makita. Pero aniya'y wala naman siguro itong alam sa sikreto nila ng anak-anakan dahil hindi naman sila nito pinipigilan.
"Uhm... eto na 'yong sketches," sabi narin nito at saka inabot ang hawak nitong folder.
"... Sabihin mo nalang sa'kin kung alin d'yan 'yong gusto mo in particular. They're all good, but I'll try adding a little bit more flair."
"Thank you," tugon niya na inilapag muna si Zed bago kinuha ang ipinasa.
"Sige, aalis narin kami," paalam na ng babae, "Zed, anak, let's go."
"But... we just got here. Can we stay longer? Please?" Mabilis namang pakiusap ng anak sa nanay.
Kumapit si Zed sa kanyang kamay at mukhang wala pa talagang balak umalis. Lalo pa itong nagpakita ng pag-ayaw nang magtago ito sa kanyang likod at paunti-unting sinilip ang nagaalinlangang magulang. Nagkibit-balikat nalang tuloy siya't napangisi sa ginagawa ng bata.
"You heard him," gatong pa niya sa nangyayari.
"Please, Mama? I don't have school tomorrow. I wanna stay... please...? Mama..."
"Alright," payag narin ni Cee-Cee na mukhang wala nang magawa sa pagtutulungan nilang dalawa.
"... but not too long, okay? Mama has work to do."
"Work on a weekend? Isn't that a little too much?" Kumento naman niya rito.
Pumasok na muna ang babae sa loob nang dahil narin sa pag-aya niya. Iniwan naman sila kaagad ni Zed sa may entrada at nagsimula itong maglibot sa malaking silid.
"Nag-file kasi ako ng leave for next week para matapos ko yung project ni Maestro. Eh, natapat sa busy period kaya I have to make up for the work load this weekend."
"Sorry... I didn't know it would be a huge hassle to you."
"No... it's okay. Saka para rin naman kay Maestro 'yon. Marami na rin siyang nagawa para sa'kin."
Tumangu-tango nalang siya.
"Do you want something to drink?" Alok niya nang mapadaan sila sa wet bar.
"No, thank you."
"Sige na, 'wag mo nang tanggihan," pilit pa niya habang binubuksan ang wine cooler.
"Wine? Wait... no... you're driving. Juice?"
Tumango narin si Cee-Cee sa suhestiyon niya at hindi na umalma. Habang inihahanda naman niya ang meryenda'y nagsimula naring gumala ang tingin ng kasama sa loob ng kanyang presidential suite. Maya-maya pa'y naglaho na ito sa kanyang tabi.
Panandalian muna niyang iniwan ang kanyang ginagawa at sinilip ang salas kung saan sa tingin niya'y nagpunta ang mag-ina. Tama nga siya. Sinaluhan nga ng dating asawa si Zed na kasalukuyang nakaupo sa sofa at nanonood ng TV.
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 2 || Social Serye
RomanceTotoo ba ang kasabihan na kapag itinadhana kayo sa isa't isa, ano man ang mangyari, kayo parin sa huli? Magkalayo man, dumaan man ang maraming taon, halos mabura man ang alaala sa puso at isip, kapag oras na, oras na ulit. "You have a strong string...