Episode 12: Four Years Before (Part 6)

2K 51 14
                                    

Present Day:

"Mr. del Viñedo, your medicine, sir," sabi ng flight attendant kay Xander habang inaabot ang kapsula't baso ng tubig.

"Thank you," pasasalamat naman niya bago ito umalis.

Kanina pa kasing sumasakit ang kanyang ulo. Ilang beses na niyang sinusubukang kontakin si Cathy pero hindi parin niya ito mahagilap. Nakakailang text narin siya sa asawa pero wala man lang itong ibinibigay na sagot sa kanya. Nasaan na ba kasi ito?

Hindi talaga siya mapakali. Kahit anong gawin niyang pagpapakalma sa sarili'y nananaig parin sa kanya ang malakas na pagnanais na makita ang anak. Kahit ipikit niya ang mga mata'y nakikita niya sa isip ang pagwawala nito sa bisig niya kanina. Kapag nakamulat nama'y lumalapag ang kanyang tingin sa birth certificate niyang hawak-hawak.

'Alexander Zion'—hindi parin siya makapaniwala. Huling ala-ala niya sa magkarugtong na mag-ina'y ihinahangos ang mga ito sa pintuan papunta sa operating room. Maraming beses din siyang dinalaw ng bangungot na iyon—ng mga sigaw ni Cathy at pagmamakaawa. Hanggang ngayon, kapag naaalala parin niya ang araw ay may hapdi parin sa kanyang puso na dulot ng mapait na nakaraan.

Si Zion.

Buhay si Zion.

Gusto na naman niyang mangiyak. Naghalu-halo na kasi sa kalooban niya ang samu't saring pakiramdam. Gusto niyang magtatalon sa saya, manuntok sa inis, sumigaw at magwala hanggang sa mapawi ang lahat ng mga nagpapaligsahang saloobin sa kanyang sistema. Kung pwede lang sana. Kung pwede nga lang sana siyang tumayo't mahihiyaw sa ere! Pero napakalimitado ng maaari niyang gawin sa loob ng kanyang First Class cubicle.

 Kung pwede nga lang sana siyang tumayo't mahihiyaw sa ere! Pero napakalimitado ng maaari niyang gawin sa loob ng kanyang First Class cubicle

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paulit-ulit parin niyang tinanong sa mga mensahe si Cathy. Sa kakukulit nga niya'y hindi siguro malayong naka isang daang text na siya sa esposa. Pero hindi talaga siya titigil. Hangga't hindi niya nakukuha ang minimithing paliwanag ay hindi talaga siya matatahimik.

* * *

* * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Fated to Love You: BOOK 2 || Social SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon