CON'T ON THE PHONE
Nanay Charito 📞 Cee-CeeN. CHARITO: O, ayan. Dumating na ang Ate Candy mong makulit. Alam mo na bang buntis 'to ulit?
(CANDY: Nay naman! Parang lagi naman akong nagbubuntis!)
N. CHARITO: Naku, sige mag-usap kayo. (Ibinigay ang telepono kay Candy)
CANDY: Sis?
CEE-CEE: Ate? Hindi ako pwedeng magtagal sa telepono ha? May kakausapin akong client eh.
CANDY: Hoy, ikaw... ano ba? Weekend naman ah? Workaholic na 'to.
CEE-CEE: Hindi naman. Client naman ni Maestro 'yon.
CANDY: Ahh... Ay, may chika pala ulit ako sa'yo tungkol kay Xander!
CEE-CEE: Ate naman, alam mo namang ayokong naririnig 'yang pangalang 'yan eh.
CANDY: Sus, affected?
CEE-CEE: Hindi ako affected. I just don't care.
CANDY: O, edi wala ka nang care na nababalitang confirmed na ngang syota na niya si fashion designer?
CEE-CEE: Ate... I don't care. Kahit si Pia Wurtzbach pa 'yang dine-date niya, wala akong pake.
CANDY: Naku, naku. 'Wag ka ngang dakilang ampalaya diyan. Eh, paano kung magkita kayo ulit? Anong gagawin mo?
CEE-CEE: Hindi naman mangyayari 'yon... ang layu-layo na namin sa isa't isa.
CANDY: Eh pa'no nga? Pinagisipan mo na ba 'yan? Anong gagawin mo?
CEE-CEE: Wala.
CANDY: Wala?!
CEE-CEE: Wala. Kasi walang chance mangyari 'yon! Wag ka ngang makulit diyan.
CANDY: Che! Sige gumanyan-ganyan ka. Naku mamaya baka kainin mo lahat ng sinasabi mo. Nagbaon ka ba ng kanin today?
CEE-CEE: Bahala ka nga, buntis! (Biglang nag-alert ang cellphone) Teka, may incoming call ako.
* * *
Iginala si Xander ni Maestro Mario sa kanyang tindahan upang ipakita ang samut-saring klase ng mga porselana na ginagawa nito dito sa studio. Sa kanyang mga nakikita ay mukhang magaling nga ito sa paghulma at pagdisenyo ng mga tradisyonal at maging ng mga kakaibang uri ng pottery. Eccentric ang istilo nito na tamang-tama sa gusto niyang ipagawang fusion art ng dalawang kultura. Aniya sa sarili'y matutuwa rin siguro ang kanyang lola kung makikita nito ang obra ng lalaki.
Sa patuloy na paggala ng kanyang mga mata ay agad itong napadako sa istante na may iba-ibang disenyo at pangalan na nakadikit sa baba. Napansin siguro ito ng kausap kaya't agad siyang iginiya nito papalapit.
"These are my students' artwork. They make it here in our in-house studio," paliwanag ng guro.
"My best student is actually here. I've asked her to come and show you some of her work."
"Oh, that's great. I'd love to meet her," tugon naman niya habang pinagmamasdan ang unang umagaw ng kanyang pansin—ang kalapating pigurin. Inabot pa niya ito't ineksamen ng malapitan.
"Her name is Cee-Cee. She actually made that piece," wika nito sa kanya.
"It's beautiful... the details are amazing," patuloy niya habang namamangha parin sa hawak na porselana.
"And that's her first work."
"Really?"
Tumango si Maestro.
BINABASA MO ANG
Fated to Love You: BOOK 2 || Social Serye
RomanceTotoo ba ang kasabihan na kapag itinadhana kayo sa isa't isa, ano man ang mangyari, kayo parin sa huli? Magkalayo man, dumaan man ang maraming taon, halos mabura man ang alaala sa puso at isip, kapag oras na, oras na ulit. "You have a strong string...